Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #20 Translated in Filipino

وَلَقَدْ آتَيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
At katotohanang (noon pang una) ay Aming ipinagkaloob sa Angkan ng Israel ang Kasulatan, ang pang- unawa sa Kasulatan at sa kanyang mga Batas (kapangyarihan sa Pag-uutos), at ang Pagka-propeta. Iginawad Namin sa kanila ang kanilang ikabubuhay, ang mga bagay na mainam at dalisay, at Aming ginawaran sila ng higit na biyaya sa lahat ng mga nilalang (sa kanilang panahon)
وَآتَيْنَاهُمْ بَيِّنَاتٍ مِنَ الْأَمْرِ ۖ فَمَا اخْتَلَفُوا إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَهُمُ الْعِلْمُ بَغْيًا بَيْنَهُمْ ۚ إِنَّ رَبَّكَ يَقْضِي بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ فِيمَا كَانُوا فِيهِ يَخْتَلِفُونَ
At sila ay biniyayaan Namin ng Maliwanag na mga Katibayan sa kapakanan (ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan nang pagpapahayag sa kanila ng Torah, mga Batas). Pagkaraan lamang nang ang karunungan ay maipagkaloob sa kanila, sila ay nabulid sa pagkakawatak-watak ng dahil sa hayagang inggit sa kanilang mga sarili. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang huhusga sa kanila sa Araw ng Paghuhukom, samgabagaynahindinilapinagkakasunduan
ثُمَّ جَعَلْنَاكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٍ مِنَ الْأَمْرِ فَاتَّبِعْهَا وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ
At inilagay ka Namin (o Muhammad) sa tamang landas ng Pananampalataya (katulad ng Aming ipinag-utos sa Aming mga Tagapagbalita na una sa iyo tungkol sa Kaisahan ni Allah at sa mga legal na batas ng Islam). Kaya’t sundin mo ang Landas (Kaisahan ni Allah at Islam), at huwag kang sumunod sa pagnanais ng mga walang kaalaman
إِنَّهُمْ لَنْ يُغْنُوا عَنْكَ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۖ وَاللَّهُ وَلِيُّ الْمُتَّقِينَ
Katotohanang sila ay walang silbi sa iyo sa paningin ni Allah. Katotohanan, ang Zalimun (mga mapaggawa ng kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, atbp.) ay mga Auliya (tagapangalaga, tagapagtanggol, kawaksi, atbp.), at magkakabuklod sa isa’t isa. Datapuwa’t si Allah ang wali (Tagapangalaga, Tagapagtanggol, atbp.) ng Mutaqqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng mga mabubuting gawa na ipinag- utos ni Allah)
هَٰذَا بَصَائِرُ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
Ito (ang Qur’an) ay maliwanag na pananaw at katibayan sa sangkatauhan, at isang Patnubay at Habag sa mga tao na may matatag na Pananalig

Choose other languages: