Surah Al-Jathiya Ayahs #22 Translated in Filipino
ثُمَّ جَعَلْنَاكَ عَلَىٰ شَرِيعَةٍ مِنَ الْأَمْرِ فَاتَّبِعْهَا وَلَا تَتَّبِعْ أَهْوَاءَ الَّذِينَ لَا يَعْلَمُونَ
At inilagay ka Namin (o Muhammad) sa tamang landas ng Pananampalataya (katulad ng Aming ipinag-utos sa Aming mga Tagapagbalita na una sa iyo tungkol sa Kaisahan ni Allah at sa mga legal na batas ng Islam). Kaya’t sundin mo ang Landas (Kaisahan ni Allah at Islam), at huwag kang sumunod sa pagnanais ng mga walang kaalaman
إِنَّهُمْ لَنْ يُغْنُوا عَنْكَ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۚ وَإِنَّ الظَّالِمِينَ بَعْضُهُمْ أَوْلِيَاءُ بَعْضٍ ۖ وَاللَّهُ وَلِيُّ الْمُتَّقِينَ
Katotohanang sila ay walang silbi sa iyo sa paningin ni Allah. Katotohanan, ang Zalimun (mga mapaggawa ng kasamaan, mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, atbp.) ay mga Auliya (tagapangalaga, tagapagtanggol, kawaksi, atbp.), at magkakabuklod sa isa’t isa. Datapuwa’t si Allah ang wali (Tagapangalaga, Tagapagtanggol, atbp.) ng Mutaqqun (mga matutuwid at matimtimang tao na labis na nangangamba kay Allah at umiiwas sa lahat ng mga kasalanan at masasamang gawa at nagmamahal kay Allah ng higit at nagsasagawa ng mga mabubuting gawa na ipinag- utos ni Allah)
هَٰذَا بَصَائِرُ لِلنَّاسِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
Ito (ang Qur’an) ay maliwanag na pananaw at katibayan sa sangkatauhan, at isang Patnubay at Habag sa mga tao na may matatag na Pananalig
أَمْ حَسِبَ الَّذِينَ اجْتَرَحُوا السَّيِّئَاتِ أَنْ نَجْعَلَهُمْ كَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ سَوَاءً مَحْيَاهُمْ وَمَمَاتُهُمْ ۚ سَاءَ مَا يَحْكُمُونَ
Ano! Sila baga na nagsisigawa ng mga kasamaan ay nag-aakala na sila ay ituturing Namin na katulad ng mga nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng kabutihan na maging magkatulad ang kanilang pangkasalukuyang buhay at pagkatapos ng kamatayan? Tunay na kasamaan ang kahatulan na kanilang ginawa
وَخَلَقَ اللَّهُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَلِتُجْزَىٰ كُلُّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
At nilikha ni Allah ang kalangitan at kalupaan ng may kapakinabangan, upang ang bawat kaluluwa ay makatagpo ng kabayaran sa kanyang kinita. At walang sinuman sa kanila ang hahatulan ng walang katuwiran
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
