Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #11 Translated in Filipino

إِنْ أَحْسَنْتُمْ أَحْسَنْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ ۖ وَإِنْ أَسَأْتُمْ فَلَهَا ۚ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ الْآخِرَةِ لِيَسُوءُوا وُجُوهَكُمْ وَلِيَدْخُلُوا الْمَسْجِدَ كَمَا دَخَلُوهُ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَلِيُتَبِّرُوا مَا عَلَوْا تَتْبِيرًا
(At Aming winika): “Kung kayo ay gumawa ng mabuti, kayo ay gumawa ng kabutihan sa inyong sarili, at kung kayo ay gumawa ng masama (inyong ginawa ito) laban sa inyong sarili.” At nang ang pangalawang babala ay dumatal, (Aming pinahintulutan ang inyong mga kaaway) na magawang namimighati (mawalan ng kapangyarihan o lakas) ang inyong mukha, at makapasok sa Templo (Moske ng Herusalem) kung paano sila nagsipasok noon, at wasakin nang may ganap na kapinsalaan ang anumang mahulog sa kanilang mga kamay
عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يَرْحَمَكُمْ ۚ وَإِنْ عُدْتُمْ عُدْنَا ۘ وَجَعَلْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ حَصِيرًا
At Aming ipinahayag sa Torah [mga Batas]): “Maaaring ang inyong Panginoon ay magpakita sa inyo ng habag, datapuwa’t kung kayo ay magbabalik (sa mga kasalanan), Aming ibabalik (ang Aming Kaparusahan). At Aming ginawa ang Impiyerno bilang isang bilangguan sa mga walang pananampalataya
إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ وَيُبَشِّرُ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا كَبِيرًا
Katotohanan, ang Qur’an na ito ay namamatnubay kung anuman ang pinakamakatarungan at katampatan at nagbibigay ng masayang balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, si Muhammad, atbp.), na nagsasagawa ng mga kabutihan, na sila ay magtatamo ng malaking gantimpala (sa Paraiso)
وَأَنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ أَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
At sila na hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay (alalaong baga, sila ay hindi nananalig na sila ay babayaran sa anumang kanilang ginawa sa mundong ito, mabuti man o masama, atbp.), para sa kanila ay Aming inihanda ang kasakit-sakit na kaparusahan (sa Impiyerno)
وَيَدْعُ الْإِنْسَانُ بِالشَّرِّ دُعَاءَهُ بِالْخَيْرِ ۖ وَكَانَ الْإِنْسَانُ عَجُولًا
At ang tao ay nananawagan (kay Allah) sa kasamaan kung paano siya nananawagan sa kabutihan at ang tao ay palaging nagmamadali (alalaong baga, kung siya ay nagagalit sa sinuman, siya ay dagliang nananalangin [na nagsasabi]: “O Allah, Inyong sumpain siya, atbp.”, at ito ay hindi niya marapat na gawin, bagkus ay maging mapagpasensiya

Choose other languages: