Surah Al-Isra Ayahs #81 Translated in Filipino
سُنَّةَ مَنْ قَدْ أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ مِنْ رُسُلِنَا ۖ وَلَا تَجِدُ لِسُنَّتِنَا تَحْوِيلًا
(Ito ang Aming) Sunna (panuntunan o paraan) sa mga Tagapagbalita na Aming isinugo nang una pa sa iyo (o Muhammad), at ikaw ay hindi makakakita ng anumang pagbabago sa Aming Sunna (panuntunan o paraan)
أَقِمِ الصَّلَاةَ لِدُلُوكِ الشَّمْسِ إِلَىٰ غَسَقِ اللَّيْلِ وَقُرْآنَ الْفَجْرِ ۖ إِنَّ قُرْآنَ الْفَجْرِ كَانَ مَشْهُودًا
Aqim-as-Salat (mag-alay ng mga panalangin nang mahinusay) mula sa katanghalian hanggang sa pagsapit ng dilim (alalaong baga, ang mga panalangin sa oras ng Zuhr, Asr, Maghrib, at Isha), at iyong dalitin ang Qur’an sa pagbubukang liwayway (alalaong baga, ang pang-umagang panalangin). Katotohanan, ang pagdalit sa Qur’an bago ang pagbubukang liwayway ay lagi nang sinasaksihan (dinadaluhan ng mga anghel na nakatalaga sa sangkatauhan sa gabi at araw)
وَمِنَ اللَّيْلِ فَتَهَجَّدْ بِهِ نَافِلَةً لَكَ عَسَىٰ أَنْ يَبْعَثَكَ رَبُّكَ مَقَامًا مَحْمُودًا
At (gayundin), sa ilang bahagi ng gabi ay mag-alay ng panalangin na kasama ito (alalaong baga, dalitin ang Qur’an sa pagdarasal), bilang isang karagdagang panalangin (Tahajjud, Nawafil, mga itinatagubiling dasal datapuwa’t hindi katungkulan o obligado) para sa iyo (O Muhammad). Maaaring ang iyong Panginoon ay magtaas sa iyo sa Maqaman Mahamuda (isang himpilan ng Pagpupuri at Pagluwalhati, alalaong baga, ang pinakamataas na antas sa Paraiso)
وَقُلْ رَبِّ أَدْخِلْنِي مُدْخَلَ صِدْقٍ وَأَخْرِجْنِي مُخْرَجَ صِدْقٍ وَاجْعَلْ لِي مِنْ لَدُنْكَ سُلْطَانًا نَصِيرًا
At ipagbadya mo (o Muhammad): “Aking Panginoon! Inyong hayaan ang aking pagpasok (sa lungsod ng Madinah) ay maging mainam, at gayundin ang aking paglisan (mula sa lungsod ng Makkah) ay maging mabuti. At ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyo ng kapamahalaan upang makatulong sa akin (o isang matatag na tanda o isang katibayan)
وَقُلْ جَاءَ الْحَقُّ وَزَهَقَ الْبَاطِلُ ۚ إِنَّ الْبَاطِلَ كَانَ زَهُوقًا
At ipagbadya: “Ang Katotohanan (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at ang Islam, o ang Qur’an, o ang Jihad laban sa mga mapagsamba sa diyus-diyosan) ay dumatal na at ang Batil (Kabulaanan, alalaong baga, si Satanas o ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay napawi na. Katotohanan, ang Batil ay lagi nang maglalaho!”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
