Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Ayahs #84 Translated in Filipino

وَقُلْ رَبِّ أَدْخِلْنِي مُدْخَلَ صِدْقٍ وَأَخْرِجْنِي مُخْرَجَ صِدْقٍ وَاجْعَلْ لِي مِنْ لَدُنْكَ سُلْطَانًا نَصِيرًا
At ipagbadya mo (o Muhammad): “Aking Panginoon! Inyong hayaan ang aking pagpasok (sa lungsod ng Madinah) ay maging mainam, at gayundin ang aking paglisan (mula sa lungsod ng Makkah) ay maging mabuti. At ako ay pagkalooban Ninyo mula sa Inyo ng kapamahalaan upang makatulong sa akin (o isang matatag na tanda o isang katibayan)
وَقُلْ جَاءَ الْحَقُّ وَزَهَقَ الْبَاطِلُ ۚ إِنَّ الْبَاطِلَ كَانَ زَهُوقًا
At ipagbadya: “Ang Katotohanan (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at ang Islam, o ang Qur’an, o ang Jihad laban sa mga mapagsamba sa diyus-diyosan) ay dumatal na at ang Batil (Kabulaanan, alalaong baga, si Satanas o ang pagsamba sa mga diyus-diyosan, atbp.) ay napawi na. Katotohanan, ang Batil ay lagi nang maglalaho!”
وَنُنَزِّلُ مِنَ الْقُرْآنِ مَا هُوَ شِفَاءٌ وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ ۙ وَلَا يَزِيدُ الظَّالِمِينَ إِلَّا خَسَارًا
At ipinanaog Namin mula sa Qur’an yaong mga bagay na nagpapagaling at isang habag sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, at sa Islam, na nagsasagawa nito), at ito ay nagpapadagdag sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng mga kamalian, buktot, tampalasan) sa wala maliban sa pagkatalo
وَإِذَا أَنْعَمْنَا عَلَى الْإِنْسَانِ أَعْرَضَ وَنَأَىٰ بِجَانِبِهِ ۖ وَإِذَا مَسَّهُ الشَّرُّ كَانَ يَئُوسًا
At nang Aming ipagkaloob ang Aming biyaya sa tao (ang hindi sumasampalataya), siya ay tumalikod at naging palalo, na higit na naging malayo sa tamang landas. At kung ang kasamaan ay sumaling sa kanya, siya ay nasa malaking pagkasiphayo (kawalan ng pag-asa)
قُلْ كُلٌّ يَعْمَلُ عَلَىٰ شَاكِلَتِهِ فَرَبُّكُمْ أَعْلَمُ بِمَنْ هُوَ أَهْدَىٰ سَبِيلًا
Ipagbadya (o Muhammad sa sangkatauhan): “Ang bawat isa ay gumagawa ng ayon sa Shakilatihi (alalaong baga, ang kanyang paraan o kanyang pananampalataya o kanyang mga layunin, atbp.), at ang inyong Panginoon ang ganap na nakakabatid sa kanya na nasa tumpak na Landas (pananampalataya, atbp.).”

Choose other languages: