Surah Al-Isra Ayahs #41 Translated in Filipino
وَلَا تَمْشِ فِي الْأَرْضِ مَرَحًا ۖ إِنَّكَ لَنْ تَخْرِقَ الْأَرْضَ وَلَنْ تَبْلُغَ الْجِبَالَ طُولًا
At huwag kang lumakad sa kalupaan ng may pagmamagaling at kapalaluan. Katotohanang ikaw ay hindi makakabiyak o makapapaloob (sa ilalim) ng kalupaan, gayundin, ay hindi mo mararating ang katulad ng tikas o tindig ng mataas na kabundukan
كُلُّ ذَٰلِكَ كَانَ سَيِّئُهُ عِنْدَ رَبِّكَ مَكْرُوهًا
Ang lahat ng masasamang pananaw (na nabanggit sa itaas) ay kamuhi- muhi sa Paningin ng iyong Panginoon
ذَٰلِكَ مِمَّا أَوْحَىٰ إِلَيْكَ رَبُّكَ مِنَ الْحِكْمَةِ ۗ وَلَا تَجْعَلْ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ فَتُلْقَىٰ فِي جَهَنَّمَ مَلُومًا مَدْحُورًا
Itoay(bahagi) ngAl-Hikmah(karunungan, mabubuting gawa at mataas na uri ng pag-uugali, atbp.), ng inspirasyon na iginawad sa iyo (o Muhammad) ng iyong Panginoon. At huwag kang magtambal kay Allah ng iba pang diyos, kung hindi, ikaw ay mapapatapon sa Impiyerno na sinisisi at itinatakwil, - at malayo sa Habag ni Allah
أَفَأَصْفَاكُمْ رَبُّكُمْ بِالْبَنِينَ وَاتَّخَذَ مِنَ الْمَلَائِكَةِ إِنَاثًا ۚ إِنَّكُمْ لَتَقُولُونَ قَوْلًا عَظِيمًا
Ang inyo bagang Panginoon (o mga Pagano ng Makkah) ay higit na nagbigay pahalaga sa inyo (sa pamamagitan) ng mga anak na lalaki, at nag-angkin sa Kanyang Sarili mula sa mga anghel ng mga anak na babae? Katotohanan, kayo ay umuusal ng kasuklam-suklam na pangungusap
وَلَقَدْ صَرَّفْنَا فِي هَٰذَا الْقُرْآنِ لِيَذَّكَّرُوا وَمَا يَزِيدُهُمْ إِلَّا نُفُورًا
At katiyakang Aming ipinaliwanag (ang Aming mga pangako, mga babala, at nagbigay [Kami] ng maraming halimbawa), dito sa Qur’an upang sila (na walang pananampalataya) ay makinig, datapuwa’t ito ay higit pang nagdagdag sa kanila sa wala maliban sa pag-ayaw
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
