Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #91 Translated in Filipino

وَلَقَدْ آتَيْنَاكَ سَبْعًا مِنَ الْمَثَانِي وَالْقُرْآنَ الْعَظِيمَ
At tunay nga, na Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong Al-Mathani (ang pitong talata na laging inuulit [dinadalit], alalaong baga, ang Surat Al-Fatiha [Pambungad na Kabanata] ng Dakilang Qur’an
لَا تَمُدَّنَّ عَيْنَيْكَ إِلَىٰ مَا مَتَّعْنَا بِهِ أَزْوَاجًا مِنْهُمْ وَلَا تَحْزَنْ عَلَيْهِمْ وَاخْفِضْ جَنَاحَكَ لِلْمُؤْمِنِينَ
Huwag mong pagmasdan ng may paghahangad ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa ilang piling tao sa kanila (ang mga hindi sumasampalataya), gayundin ay huwag kang manimdin sa kanila. At ibaba ang iyong pakpak sa mga sumasampalataya (maging magalang at mapagbigay sa iyong kapwa mananampalataya)
وَقُلْ إِنِّي أَنَا النَّذِيرُ الْمُبِينُ
At ipagbadya: “Ako ay tunay na isang lantad na tagapagbabala.”
كَمَا أَنْزَلْنَا عَلَى الْمُقْتَسِمِينَ
Sapagkat Aming ipinanaog sa mga magkakabukod (mga paganong Quraish, o mga Hudyo at mga Kristiyano)
الَّذِينَ جَعَلُوا الْقُرْآنَ عِضِينَ
Na gumawa sa Qur’an sa maraming bahagi (alalaong baga, naniniwala sa ilang bahagi nito at hindi naniniwala sa iba)

Choose other languages: