Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #36 Translated in Filipino

قَالَ يَا إِبْلِيسُ مَا لَكَ أَلَّا تَكُونَ مَعَ السَّاجِدِينَ
Si Allah ay nagwika: “o Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpatirapa?”
قَالَ لَمْ أَكُنْ لِأَسْجُدَ لِبَشَرٍ خَلَقْتَهُ مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ
Si Iblis ay nagsabi: “Hindi ako ang isa na magpapatirapa sa harapan ng isang tao, na Inyong nilikha mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa.”
قَالَ فَاخْرُجْ مِنْهَا فَإِنَّكَ رَجِيمٌ
Si (Allah) ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat katotohanang ikaw ay Rajim (isang isinumpa o itinaboy).”
وَإِنَّ عَلَيْكَ اللَّعْنَةَ إِلَىٰ يَوْمِ الدِّينِ
At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
قَالَ رَبِّ فَأَنْظِرْنِي إِلَىٰ يَوْمِ يُبْعَثُونَ
Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo, kung gayon, ng palugit hanggang sa Araw na sila (ang mga patay) ay ibabangon.”

Choose other languages: