Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #29 Translated in Filipino

وَإِنَّ رَبَّكَ هُوَ يَحْشُرُهُمْ ۚ إِنَّهُ حَكِيمٌ عَلِيمٌ
At katotohanang ang inyong Panginoon ang magtitipon sa inyo nang sama-sama. Katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Lubos na Nakakabatid ng lahat
وَلَقَدْ خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ
At katotohanang nilikha Namin ang sangkatauhan mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
وَالْجَانَّ خَلَقْنَاهُ مِنْ قَبْلُ مِنْ نَارِ السَّمُومِ
At ang Jinn, Na Aming nilikha noon pang una mula sa lagablab ng apoy na walang usok
وَإِذْ قَالَ رَبُّكَ لِلْمَلَائِكَةِ إِنِّي خَالِقٌ بَشَرًا مِنْ صَلْصَالٍ مِنْ حَمَإٍ مَسْنُونٍ
At alalahanin nang ang iyong Panginoon ay nangusap sa mga anghel: “Ako ay lilikha ng isang tao (Adan) mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
فَإِذَا سَوَّيْتُهُ وَنَفَخْتُ فِيهِ مِنْ رُوحِي فَقَعُوا لَهُ سَاجِدِينَ
Kaya’t nang siya ay Aking matapos nang ganap, at nang Aking maihinga sa kanya (Adan) ang kaluluwa na Aking nilikha para sa kanya, ngayon, kayo (mga anghel) ay lumuhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba).”

Choose other languages: