Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hashr Ayahs #15 Translated in Filipino

أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نَافَقُوا يَقُولُونَ لِإِخْوَانِهِمُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَئِنْ أُخْرِجْتُمْ لَنَخْرُجَنَّ مَعَكُمْ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمْ أَحَدًا أَبَدًا وَإِنْ قُوتِلْتُمْ لَنَنْصُرَنَّكُمْ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Hindi mo ba napagmamasdan (O Muhammad) ang mga mapagkunwari na nagsasabi sa kanilang mga kaibigan mula sa lipon ng angkan ng Kasulatan na hindi nananampalataya: “(Si Allah ang Saksi), kung kayo ay ipatapon, kami (rin) ay tunay na sasama sa inyo at hindi namin susundin ang sinuman na laban sa inyo, at kung kayo ay lusubin (sa pakikipaglaban), katiyakang kami ay tutulong sa inyo”. Datapuwa’t si Allah ang Saksi na sila ay tunay na mga sinungaling
لَئِنْ أُخْرِجُوا لَا يَخْرُجُونَ مَعَهُمْ وَلَئِنْ قُوتِلُوا لَا يَنْصُرُونَهُمْ وَلَئِنْ نَصَرُوهُمْ لَيُوَلُّنَّ الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يُنْصَرُونَ
Katiyakang kung sila (na mga Hudyo) ay ipatapon, kailanman (ang mga mapagkunwari) ay hindi sasama sa kanila, at kung sila ay lusubin (sa pakikipaglaban), kailanman ay hindi sila tutulong sa kanila. At kung sila ay tumulong sa kanila, sila (na mga mapagkunwari) ay tatalikod sa kanila upang sila ay hindi magtagumpay
لَأَنْتُمْ أَشَدُّ رَهْبَةً فِي صُدُورِهِمْ مِنَ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ
Katotohanang kayo (na mga sumasampalataya) ay higit na nagdudulot ng pangamba sa kanilang puso kaysa (sa pangamba) kay Allah. Ito’y sa dahilang sila ay mga tao na hindi marunong makaunawa (sa Kamahalan at Kapangyarihan ni Allah)
لَا يُقَاتِلُونَكُمْ جَمِيعًا إِلَّا فِي قُرًى مُحَصَّنَةٍ أَوْ مِنْ وَرَاءِ جُدُرٍ ۚ بَأْسُهُمْ بَيْنَهُمْ شَدِيدٌ ۚ تَحْسَبُهُمْ جَمِيعًا وَقُلُوبُهُمْ شَتَّىٰ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْقِلُونَ
Kayo ay hindi nila lalabanan kahit na sila ay sama-sama, maliban sa napapangalagaang mga bayan (may sapat na Tanggulan), o kung nasa likod ng mga bakod. Ang pagkamuhi sa pagitan nila ay lubhang masigasig. Kung sila ay inyong titingnan ay aakalain ninyo na sila ay nagkakaisa, datapuwa’t ang kanilang puso ay magkakahiwalay, sapagkat sila ay mga tao na salat sa karunungan
كَمَثَلِ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ قَرِيبًا ۖ ذَاقُوا وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Sila ay katulad ng (mga Hudyo ng Bani An-Nadir na nagdusa) sa maigsing panahon bago pa sa kanila, at kanilang natikman ang dulot na kasamaan ng kanilang gawa, at (sa Kabilang Buhay) ay may nakalaan sa kanila na kasakit-sakit na Kaparusahan

Choose other languages: