Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hashr Ayahs #13 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ تَبَوَّءُوا الدَّارَ وَالْإِيمَانَ مِنْ قَبْلِهِمْ يُحِبُّونَ مَنْ هَاجَرَ إِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمْ حَاجَةً مِمَّا أُوتُوا وَيُؤْثِرُونَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۚ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Datapuwa’t sila, na bago pa sa kanila, ay mayroong tirahan (sa Al-Madinah) at nagsiyakap sa Pananampalataya, at nagpapakita ng pagkagiliw sa sinumang pumaparoon sa kanila upang manuluyan, at sila ay walang paninibugho sa kanilang puso sa anumang ibinigay sa kanila (na mula sa Labi ng Digmaan ng Bani An-Nadir), bagkus ay kanilang inaasikaso sila ng higit pa sa kanilang sarili bagama’t sila ay nagdaranas din ng paghihikahos. At kung sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na magkakamit ng kasaganaan at tagumpay
وَالَّذِينَ جَاءُوا مِنْ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَانِنَا الَّذِينَ سَبَقُونَا بِالْإِيمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِي قُلُوبِنَا غِلًّا لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا إِنَّكَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
At yaong mga dumating pagkaraan nila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong patawarin kami at ang aming mga kapatid na nangauna sa amin sa Pananampalataya, at huwag Ninyong ilagay sa aming puso ang damdamin ng pagkamuhi at pamiminsala sa mga sumasampalataya. Aming Panginoon! Katotohanang Kayo ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain”
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نَافَقُوا يَقُولُونَ لِإِخْوَانِهِمُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ لَئِنْ أُخْرِجْتُمْ لَنَخْرُجَنَّ مَعَكُمْ وَلَا نُطِيعُ فِيكُمْ أَحَدًا أَبَدًا وَإِنْ قُوتِلْتُمْ لَنَنْصُرَنَّكُمْ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ
Hindi mo ba napagmamasdan (O Muhammad) ang mga mapagkunwari na nagsasabi sa kanilang mga kaibigan mula sa lipon ng angkan ng Kasulatan na hindi nananampalataya: “(Si Allah ang Saksi), kung kayo ay ipatapon, kami (rin) ay tunay na sasama sa inyo at hindi namin susundin ang sinuman na laban sa inyo, at kung kayo ay lusubin (sa pakikipaglaban), katiyakang kami ay tutulong sa inyo”. Datapuwa’t si Allah ang Saksi na sila ay tunay na mga sinungaling
لَئِنْ أُخْرِجُوا لَا يَخْرُجُونَ مَعَهُمْ وَلَئِنْ قُوتِلُوا لَا يَنْصُرُونَهُمْ وَلَئِنْ نَصَرُوهُمْ لَيُوَلُّنَّ الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يُنْصَرُونَ
Katiyakang kung sila (na mga Hudyo) ay ipatapon, kailanman (ang mga mapagkunwari) ay hindi sasama sa kanila, at kung sila ay lusubin (sa pakikipaglaban), kailanman ay hindi sila tutulong sa kanila. At kung sila ay tumulong sa kanila, sila (na mga mapagkunwari) ay tatalikod sa kanila upang sila ay hindi magtagumpay
لَأَنْتُمْ أَشَدُّ رَهْبَةً فِي صُدُورِهِمْ مِنَ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ
Katotohanang kayo (na mga sumasampalataya) ay higit na nagdudulot ng pangamba sa kanilang puso kaysa (sa pangamba) kay Allah. Ito’y sa dahilang sila ay mga tao na hindi marunong makaunawa (sa Kamahalan at Kapangyarihan ni Allah)

Choose other languages: