Surah Al-Hajj Ayahs #52 Translated in Filipino
وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَيَّ الْمَصِيرُ
At maraming bayan (pamayanan) ang Aking binigyan ng palugit samantalang ito ay gumon sa kabuktutan. At (sa katapusan), Aking sinaklot sila (ng kaparu-sahan). At sa Akin ang (huling) pagbabalik (ng lahat)
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا أَنَا لَكُمْ نَذِيرٌ مُبِينٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “o sangkatauhan! Ako ay isinugo lamang sa inyo bilang isang lantad na tagapagbabala.”
فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ
Kaya’t sila na mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at gumagawa ng kabutihan, sasakanila ang Kapatawaran at Rizqun Karim (matimyas na gantimpala, alalaong baga, ang Paraiso)
وَالَّذِينَ سَعَوْا فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ الْجَحِيمِ
Datapuwa’t sila na mga nagsisikap ng laban sa Aming Ayat (mga katibayan, pahayag, aral, tanda, atbp.) upang biguin at hadlangan sila, sila ang mga maninirahan sa Apoy ng Impiyerno
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ وَلَا نَبِيٍّ إِلَّا إِذَا تَمَنَّىٰ أَلْقَى الشَّيْطَانُ فِي أُمْنِيَّتِهِ فَيَنْسَخُ اللَّهُ مَا يُلْقِي الشَّيْطَانُ ثُمَّ يُحْكِمُ اللَّهُ آيَاتِهِ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
Hindi Kami kailanman nagsugo ng Tagapagbalita o ng Propeta maging nang una pa man sa iyo, datapuwa’t; kung siya ay nagpapahayag ng rebelasyon o nagsasalaysay o nangungusap, si Satanas ay naghahagis (ng ilang kasinungalingan) dito. Datapuwa’t si Allah ang pumapalis ng anumang ikinukulapol ni Satanas sa kanila. At si Allah ang nagtitindig ng Kanyang mga Rebelasyon. At si Allah ang Ganap na Nakakaalam, ang Tigib ng Karunungan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
