Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #50 Translated in Filipino

أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَا أَوْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى الْأَبْصَارُ وَلَٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوبُ الَّتِي فِي الصُّدُورِ
Hindi baga sila nagsipaglakbay sa kalupaan, at mayroon ba silang mga puso upang makaunawa, at mayroon ba silang mga tainga upang makarinig? Katotohanan, hindi ang mga mata ang tumutubo (o lumalaki) na bulag, datapuwa’t ang puso na nasa dibdib ang tumutubo na bulag
وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ وَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ وَعْدَهُ ۚ وَإِنَّ يَوْمًا عِنْدَ رَبِّكَ كَأَلْفِ سَنَةٍ مِمَّا تَعُدُّونَ
Atikawaytinatanongnilanamadaliinangkaparusahan! At si Allah ay hindi makakaligta sa Kanyang Pangako. At katotohanang ang isang Araw kay Allah ay katumbas ng libong taon na inyong binibilang
وَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَمْلَيْتُ لَهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ ثُمَّ أَخَذْتُهَا وَإِلَيَّ الْمَصِيرُ
At maraming bayan (pamayanan) ang Aking binigyan ng palugit samantalang ito ay gumon sa kabuktutan. At (sa katapusan), Aking sinaklot sila (ng kaparu-sahan). At sa Akin ang (huling) pagbabalik (ng lahat)
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنَّمَا أَنَا لَكُمْ نَذِيرٌ مُبِينٌ
Ipagbadya (o Muhammad): “o sangkatauhan! Ako ay isinugo lamang sa inyo bilang isang lantad na tagapagbabala.”
فَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ
Kaya’t sila na mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at gumagawa ng kabutihan, sasakanila ang Kapatawaran at Rizqun Karim (matimyas na gantimpala, alalaong baga, ang Paraiso)

Choose other languages: