Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #47 Translated in Filipino

وَقَوْمُ إِبْرَاهِيمَ وَقَوْمُ لُوطٍ
At sa mga tao ni Abraham at ng mga tao ni Lut
وَأَصْحَابُ مَدْيَنَ ۖ وَكُذِّبَ مُوسَىٰ فَأَمْلَيْتُ لِلْكَافِرِينَ ثُمَّ أَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ نَكِيرِ
At sa mga naninirahan sa Madyan (Midian), at pinasinungalingan (nila) si Moises, datapuwa’t Aking binigyan ng bahagyang palugit ang mga hindi sumasampalataya, at pagkatapos ay Aking sinakmal sila, at masdan kung gaano katindi ang Aking kaparusahan (laban sa kanilang mga kamalian)
فَكَأَيِّنْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا وَهِيَ ظَالِمَةٌ فَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَبِئْرٍ مُعَطَّلَةٍ وَقَصْرٍ مَشِيدٍ
At marami ng bayan (pamayanan) ang Aming winasak samantalang sila ay gumon sa mga maling gawa, kaya’t ito ngayon ay lugmok na mga guho na (hanggang sa araw na ito) at (marami) ang mga napag-iwanan ng mga tuyong balon at matataas na kastilyo
أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَتَكُونَ لَهُمْ قُلُوبٌ يَعْقِلُونَ بِهَا أَوْ آذَانٌ يَسْمَعُونَ بِهَا ۖ فَإِنَّهَا لَا تَعْمَى الْأَبْصَارُ وَلَٰكِنْ تَعْمَى الْقُلُوبُ الَّتِي فِي الصُّدُورِ
Hindi baga sila nagsipaglakbay sa kalupaan, at mayroon ba silang mga puso upang makaunawa, at mayroon ba silang mga tainga upang makarinig? Katotohanan, hindi ang mga mata ang tumutubo (o lumalaki) na bulag, datapuwa’t ang puso na nasa dibdib ang tumutubo na bulag
وَيَسْتَعْجِلُونَكَ بِالْعَذَابِ وَلَنْ يُخْلِفَ اللَّهُ وَعْدَهُ ۚ وَإِنَّ يَوْمًا عِنْدَ رَبِّكَ كَأَلْفِ سَنَةٍ مِمَّا تَعُدُّونَ
Atikawaytinatanongnilanamadaliinangkaparusahan! At si Allah ay hindi makakaligta sa Kanyang Pangako. At katotohanang ang isang Araw kay Allah ay katumbas ng libong taon na inyong binibilang

Choose other languages: