Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hajj Ayahs #19 Translated in Filipino

مَنْ كَانَ يَظُنُّ أَنْ لَنْ يَنْصُرَهُ اللَّهُ فِي الدُّنْيَا وَالْآخِرَةِ فَلْيَمْدُدْ بِسَبَبٍ إِلَى السَّمَاءِ ثُمَّ لْيَقْطَعْ فَلْيَنْظُرْ هَلْ يُذْهِبَنَّ كَيْدُهُ مَا يَغِيظُ
Kung sinuman ang nag-aakala na si Allah ay hindi tutulong sa kanya (Muhammad) sa mundong ito at sa Kabilang Buhay, hayaan siyang magsabit ng lubid sa kisame at hayaang bigtihin niya ang kanyang sarili. Kaya’t hayaang mamasdan niya kung ang kanyang balak ay makapag- aalis ng gayong (bagay) kung saan siya nagagalit
وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَاهُ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ وَأَنَّ اللَّهَ يَهْدِي مَنْ يُرِيدُ
Kaya’t Aming ipinadala ito (ang Qur’an) nang papanaog (kay Muhammad) bilang Maliwanag na mga Tanda (katibayan), at katotohanang si Allah ay namamatnubay sa sinumang Kanyang maibigan
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئِينَ وَالنَّصَارَىٰ وَالْمَجُوسَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا إِنَّ اللَّهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Katotohanang sila na mga sumasampalataya (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at ang mga Hudyo, ang mga Sabiano, ang mga Kristiyano, at mga Magiano, at sila na mga sumasamba sa iba bukod pa kay Allah, katotohanang si Allah ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Katotohanang si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَسْجُدُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُومُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَابُّ وَكَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ ۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُ ۗ وَمَنْ يُهِنِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُكْرِمٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ ۩
Hindi baga ninyo namamasdan na kay Allah ay nagpapatirapang lahat ang anumang nasa kalangitan at kalupaan, at ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, at kabundukan, ang mga punongkahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao? Datapuwa’t marami sa mga (tao) na ang (ilalapat na) kaparusahan ay makatwiran (o mapapangatwiranan). At kung sinuman ang bigyan ni Allah ng kahihiyan, walang makakapagbigay sa kanya ng karangalan. Katotohanang si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin
هَٰذَانِ خَصْمَانِ اخْتَصَمُوا فِي رَبِّهِمْ ۖ فَالَّذِينَ كَفَرُوا قُطِّعَتْ لَهُمْ ثِيَابٌ مِنْ نَارٍ يُصَبُّ مِنْ فَوْقِ رُءُوسِهِمُ الْحَمِيمُ
Angdalawangmagkalabangito(angsumasampalatayaat hindi sumasampalataya) ay nagsisipagtalo sa isa’t isa tungkol sa kanilang Panginoon, at sa mga hindi nananampalataya, ang mga damit na gawa sa apoy ay tatabasin para sa kanila, at kumukulong tubig ang ibubuhos sa kanilang ulo

Choose other languages: