Surah Al-Hajj Ayahs #21 Translated in Filipino
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَالَّذِينَ هَادُوا وَالصَّابِئِينَ وَالنَّصَارَىٰ وَالْمَجُوسَ وَالَّذِينَ أَشْرَكُوا إِنَّ اللَّهَ يَفْصِلُ بَيْنَهُمْ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Katotohanang sila na mga sumasampalataya (kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), at ang mga Hudyo, ang mga Sabiano, ang mga Kristiyano, at mga Magiano, at sila na mga sumasamba sa iba bukod pa kay Allah, katotohanang si Allah ang hahatol sa pagitan nila sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Katotohanang si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَسْجُدُ لَهُ مَنْ فِي السَّمَاوَاتِ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ وَالشَّمْسُ وَالْقَمَرُ وَالنُّجُومُ وَالْجِبَالُ وَالشَّجَرُ وَالدَّوَابُّ وَكَثِيرٌ مِنَ النَّاسِ ۖ وَكَثِيرٌ حَقَّ عَلَيْهِ الْعَذَابُ ۗ وَمَنْ يُهِنِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ مُكْرِمٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ ۩
Hindi baga ninyo namamasdan na kay Allah ay nagpapatirapang lahat ang anumang nasa kalangitan at kalupaan, at ang araw, at ang buwan, at ang mga bituin, at kabundukan, ang mga punongkahoy, ang mga hayop, at ang marami sa mga tao? Datapuwa’t marami sa mga (tao) na ang (ilalapat na) kaparusahan ay makatwiran (o mapapangatwiranan). At kung sinuman ang bigyan ni Allah ng kahihiyan, walang makakapagbigay sa kanya ng karangalan. Katotohanang si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin
هَٰذَانِ خَصْمَانِ اخْتَصَمُوا فِي رَبِّهِمْ ۖ فَالَّذِينَ كَفَرُوا قُطِّعَتْ لَهُمْ ثِيَابٌ مِنْ نَارٍ يُصَبُّ مِنْ فَوْقِ رُءُوسِهِمُ الْحَمِيمُ
Angdalawangmagkalabangito(angsumasampalatayaat hindi sumasampalataya) ay nagsisipagtalo sa isa’t isa tungkol sa kanilang Panginoon, at sa mga hindi nananampalataya, ang mga damit na gawa sa apoy ay tatabasin para sa kanila, at kumukulong tubig ang ibubuhos sa kanilang ulo
يُصْهَرُ بِهِ مَا فِي بُطُونِهِمْ وَالْجُلُودُ
Sa pamamagitan nito ay malulusaw o maglalaho ang anumang nasa loob ng kanilang tiyan, gayundin ang (kanilang) balat
وَلَهُمْ مَقَامِعُ مِنْ حَدِيدٍ
At sa kanila ay (ipangpaparusa) ang mga piraso ng tuwid na bakal na may sima
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
