Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hadid Ayahs #9 Translated in Filipino

لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَإِلَى اللَّهِ تُرْجَعُ الْأُمُورُ
Sa Kanya ang kapamahalaan ng mga kalangitan at kalupaan; at ang lahat ng pangyayari ay bumabalik kay Allah (sa Pagpapasya)
يُولِجُ اللَّيْلَ فِي النَّهَارِ وَيُولِجُ النَّهَارَ فِي اللَّيْلِ ۚ وَهُوَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Pinagsanib Niya ang gabi sa araw (ang pag-igsi ng oras sa gabi ay idinagdag sa oras ng maghapon), at pinaglagom Niya ang araw sa gabi (ang pag-igsi ng oras ng maghapon ay idinagdag sa oras ng gabi); at Siya ay Tigib ng Karunungan sa lahat ng mga lihim (ng dibdib)
آمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَأَنْفِقُوا مِمَّا جَعَلَكُمْ مُسْتَخْلَفِينَ فِيهِ ۖ فَالَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَأَنْفَقُوا لَهُمْ أَجْرٌ كَبِيرٌ
Manampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at gumugol sa pagkakawanggawa mula sa kayamanan na pamanang kaloob Niya sa inyo. At sa inyo na sumasampalataya at gumugugol (sa kawanggawa at Kapakanan ni Allah), sasakanila ang malaking gantimpala
وَمَا لَكُمْ لَا تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ ۙ وَالرَّسُولُ يَدْعُوكُمْ لِتُؤْمِنُوا بِرَبِّكُمْ وَقَدْ أَخَذَ مِيثَاقَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
Ano ba ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi sumasampalataya kay Allah? Samantalang ang Tagapagbalita (Muhammad) ay nag-aanyaya sa inyo na kayo ay sumampalataya sa inyong Panginoon (Allah) at katotohanang tinanggap Niya ang inyong kasunduan, kung kayoaymgataonamaytunaynapananalig
هُوَ الَّذِي يُنَزِّلُ عَلَىٰ عَبْدِهِ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لِيُخْرِجَكُمْ مِنَ الظُّلُمَاتِ إِلَى النُّورِ ۚ وَإِنَّ اللَّهَ بِكُمْ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ
Siya(Allah) ang nagpaparating sa Kanyang Tagapaglingkod (Muhammad) ng lantad na Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) upang Kanyang magabayan kayo mula sa kailaliman ng kadiliman tungo sa liwanag. At katotohanang si Allah sa inyo ay Puspos ng Kabutihan at Pinakamaawain

Choose other languages: