Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hadid Ayahs #14 Translated in Filipino

وَمَا لَكُمْ أَلَّا تُنْفِقُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَلِلَّهِ مِيرَاثُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ لَا يَسْتَوِي مِنْكُمْ مَنْ أَنْفَقَ مِنْ قَبْلِ الْفَتْحِ وَقَاتَلَ ۚ أُولَٰئِكَ أَعْظَمُ دَرَجَةً مِنَ الَّذِينَ أَنْفَقُوا مِنْ بَعْدُ وَقَاتَلُوا ۚ وَكُلًّا وَعَدَ اللَّهُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
At ano ang nangyayari sa inyo at kayo ay hindi gumugugol para sa Kapakanan ni Allah? At kay Allah lamang ang pagmamay- ari ng lahat ng mga kayamanan at pamana ng kalangitan at kalupaan. Hindi magkatulad sa inyo ang mga gumugol nang kusa at nakipaglaban noon sa pagsakop (sa Makkah), at sa kanila (na kasama mo na lumaban [hanggang] sa katapusan). Sila ay higit na mataas sa antas kaysa sa gumugol nang kusa at nakipaglaban sa bandang huli. Datapuwa’t sa lahat, si Allah ay nangako ng pinakamabuting gantimpala. At si Allah ang Ganap na Nakakabatid ng lahat ng inyong ginagawa
مَنْ ذَا الَّذِي يُقْرِضُ اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا فَيُضَاعِفَهُ لَهُ وَلَهُ أَجْرٌ كَرِيمٌ
Sino baga siya na magpapautang kay Allah ng isang magandang pautang? At si Allah ang magpaparami nito ng maraming beses sa kanyang kapakinabangan, gayundin naman ay tatanggap pa siya ng masaganang biyaya (alalaong baga, ang Paraiso)
يَوْمَ تَرَى الْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ يَسْعَىٰ نُورُهُمْ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِمْ بُشْرَاكُمُ الْيَوْمَ جَنَّاتٌ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
Sa Araw na inyong mapagmamasdan ang mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae, kung paano ang kanilang Liwanag ay tumatakbo sa kanilang harapan at sa kanilang kanang kamay. (Ang kanilang pagbati ay ito): “ Magandang balita sa inyo sa araw na ito! Mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manirahan dito magpakailanman! Katotohanang ito ang Pinakamataas na Tagumpay!”
يَوْمَ يَقُولُ الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ لِلَّذِينَ آمَنُوا انْظُرُونَا نَقْتَبِسْ مِنْ نُورِكُمْ قِيلَ ارْجِعُوا وَرَاءَكُمْ فَالْتَمِسُوا نُورًا فَضُرِبَ بَيْنَهُمْ بِسُورٍ لَهُ بَابٌ بَاطِنُهُ فِيهِ الرَّحْمَةُ وَظَاهِرُهُ مِنْ قِبَلِهِ الْعَذَابُ
Sa Araw na ang mga mapagkunwari, lalaki at babae, ay magsasabi sa mga nananampalataya: “Inyong hintayin kami! Kami ay hayaan ninyo na humiram (ng liwanag) mula sa inyong Liwanag!” At sa kanila ay ipagbabadya: “Magsitalikod kayo sa inyong harapan! At ngayon, kayo ay magsihanap ng liwanag (na hindi nila matatagpuan)! Kaya’t isang dingding ang ititindig sa pagitan nila na rito ay may tarangkahan. Sa loob nito ay naroroon ang walang maliw na Habag, at sa labas nito hanggang sa tagiliran, ay naroroon ang (pagkagalit) at Kaparusahan!”
يُنَادُونَهُمْ أَلَمْ نَكُنْ مَعَكُمْ ۖ قَالُوا بَلَىٰ وَلَٰكِنَّكُمْ فَتَنْتُمْ أَنْفُسَكُمْ وَتَرَبَّصْتُمْ وَارْتَبْتُمْ وَغَرَّتْكُمُ الْأَمَانِيُّ حَتَّىٰ جَاءَ أَمْرُ اللَّهِ وَغَرَّكُمْ بِاللَّهِ الْغَرُورُ
(Sila na mapagkunwari na nasa labas) ay magsisitawag (sa mga sumasampalataya): “Kami ba ay hindi ninyo kasama? Ang mga sumasampalataya ay sasagot: “Tunay nga! Subalit hinayaan ninyo ang inyong sarili na mabulid sa tukso; kayo ay naghintay sa aming kapahamakan; kayo ay nag-agam- agam (sa pangako ni Allah); at ang inyong (huwad) na pagnanasa ang luminlang sa inyo; hanggang ang Pag-uutos ni Allah ay ipatupad. At ang Punong Manlilinlang (Satanas) ang dumaya sa inyo tungkol kay Allah

Choose other languages: