Surah Al-Hadid Ayahs #4 Translated in Filipino
سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Ang lahat ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng pagpupuri at kaluwalhatian kay Allah, sapagkat Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Lubos na Maalam
لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Sa Kanya ang pag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan. Siya ang naggagawad ng buhay at nagbibigay ng kamatayan, at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
هُوَ الْأَوَّلُ وَالْآخِرُ وَالظَّاهِرُ وَالْبَاطِنُ ۖ وَهُوَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Siya ang Una (walang anuman bago pa sa Kanya) at Huli (walang anuman matapos Siya), ang Kataas-taasan (walang anuman ang higit sa Kanya) at Pinakamalapit (walang anuman ang higit na malapit sa Kanya). At Siya ang may kaalaman sa lahat ng bagay
هُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۚ يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنْزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۖ وَهُوَ مَعَكُمْ أَيْنَ مَا كُنْتُمْ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Siya (Allah) ang lumikha ng kalangitan at kalupaan sa anim na araw, at nag-Istawa (itinatag o iniluklok) Niya ang Kanyang Sarili sa Luklukan (sa paraan na naaayon sa Kanyang Kamahalan). Talastas Niya kung ano ang pumapasok sa kalupaan at kung ano ang lumalabas dito, at batid Niya kung ano ang bumababa sa kalangitan at umaakyat doon. At Siya ay laging nasa inyo (sa pamamagitan ng Kanyang Karunungan) saan man kayo naroroon. At si Allah ang Lubos na Nakakamatyag ng lahat ninyong ginagawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
