Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #72 Translated in Filipino

وَالَّذِينَ لَا يَدْعُونَ مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ وَلَا يَقْتُلُونَ النَّفْسَ الَّتِي حَرَّمَ اللَّهُ إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَا يَزْنُونَ ۚ وَمَنْ يَفْعَلْ ذَٰلِكَ يَلْقَ أَثَامًا
At sila na hindi tumatawag sa ibang ilah (diyos) maliban pa kay Allah, at hindi kumikitil ng buhay na ipinagbabawal ni Allah, maliban na lamang kung makatarungan, at hindi rin gumagawa ng bawal na pakikipagtalik (na seksuwal), - at sinuman ang gumawa nito ay makakatanggap ng kaparusahan
يُضَاعَفْ لَهُ الْعَذَابُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَيَخْلُدْ فِيهِ مُهَانًا
Ang kaparusahan ay gagawing dalawa sa kanya sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at siya ay mananatili roon sa kahihiyan
إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Maliban sa mga nagsisisi at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at gumagawa ng kabutihan, para sa kanila, papalitan ni Allah ang kanilang mga kasalanan ng mabubuting gawa, at siAllah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَمَنْ تَابَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَإِنَّهُ يَتُوبُ إِلَى اللَّهِ مَتَابًا
At sinuman ang magsisi at gumawa ng kabutihan, katotohanan, kung gayon, na siya ay nagsisi kay Allah ng matapat na pagtitika
وَالَّذِينَ لَا يَشْهَدُونَ الزُّورَ وَإِذَا مَرُّوا بِاللَّغْوِ مَرُّوا كِرَامًا
At sila na hindi sumasaksi sa kabulaanan (o kasinungalingan), at kung sila ay mapapasangkot sa masamang gawa o usapan, kagya’t silang lumilisan doon ng may kahihiyan (o karangalan)

Choose other languages: