Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Furqan Ayahs #74 Translated in Filipino

إِلَّا مَنْ تَابَ وَآمَنَ وَعَمِلَ عَمَلًا صَالِحًا فَأُولَٰئِكَ يُبَدِّلُ اللَّهُ سَيِّئَاتِهِمْ حَسَنَاتٍ ۗ وَكَانَ اللَّهُ غَفُورًا رَحِيمًا
Maliban sa mga nagsisisi at sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at gumagawa ng kabutihan, para sa kanila, papalitan ni Allah ang kanilang mga kasalanan ng mabubuting gawa, at siAllah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَمَنْ تَابَ وَعَمِلَ صَالِحًا فَإِنَّهُ يَتُوبُ إِلَى اللَّهِ مَتَابًا
At sinuman ang magsisi at gumawa ng kabutihan, katotohanan, kung gayon, na siya ay nagsisi kay Allah ng matapat na pagtitika
وَالَّذِينَ لَا يَشْهَدُونَ الزُّورَ وَإِذَا مَرُّوا بِاللَّغْوِ مَرُّوا كِرَامًا
At sila na hindi sumasaksi sa kabulaanan (o kasinungalingan), at kung sila ay mapapasangkot sa masamang gawa o usapan, kagya’t silang lumilisan doon ng may kahihiyan (o karangalan)
وَالَّذِينَ إِذَا ذُكِّرُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ لَمْ يَخِرُّوا عَلَيْهَا صُمًّا وَعُمْيَانًا
At sila, na kung pinapaalalahananngAyat(mgatanda, aral, katibayan, talata, atbp.) ng kanilang Panginoon, sila ay hindi lumulugmok na waring mga bingi at bulag
وَالَّذِينَ يَقُولُونَ رَبَّنَا هَبْ لَنَا مِنْ أَزْوَاجِنَا وَذُرِّيَّاتِنَا قُرَّةَ أَعْيُنٍ وَاجْعَلْنَا لِلْمُتَّقِينَ إِمَامًا
At sila na nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong pagkalooban kami mula sa aming mga asawa at mga anak ng mga magiging kasiya-siya sa aming mga mata, at kami ay gawin Ninyong mga pinuno para sa Mutaqqun (mga matimtiman at mabubuting tao na labis na nangangamba kay Allah sa pamamagitan nang pag- iwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawa na Kanyang ipinagbawal at labis na nagmamahal kay Allah sa pamamagitan nang paggawa ng lahat ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos)

Choose other languages: