Surah Al-Furqan Ayahs #37 Translated in Filipino
وَلَا يَأْتُونَكَ بِمَثَلٍ إِلَّا جِئْنَاكَ بِالْحَقِّ وَأَحْسَنَ تَفْسِيرًا
At walang anumang halimbawa o paghahambing ang kanilang maitatanghal (upang tutulan o makahanap ng kamalian sa iyo, o sa Qur’an), nang hindi Namin inihayag sa iyo ang katotohanan (laban sa gayong paghahambing o halimbawa), at ng mainam na kapaliwanagan doon
الَّذِينَ يُحْشَرُونَ عَلَىٰ وُجُوهِهِمْ إِلَىٰ جَهَنَّمَ أُولَٰئِكَ شَرٌّ مَكَانًا وَأَضَلُّ سَبِيلًا
Sila na titipunin sa Impiyerno (na nakasubsob) sa kanilang mukha, sila ang malalagay sa isang masamang katayuan, at naligaw nang malayo sa (matuwid) na Landas
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَا مَعَهُ أَخَاهُ هَارُونَ وَزِيرًا
At katotohanang ipinagkaloob Namin kay Moises ang Kasulatan (Torah, ang mga Batas), at itinadhana Namin ang kanyang kapatid na si Aaron bilang kanyang katuwang
فَقُلْنَا اذْهَبَا إِلَى الْقَوْمِ الَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَدَمَّرْنَاهُمْ تَدْمِيرًا
At Kami ay nagwika: “Kayo ay kapwa pumaroon sa mga tao na nagsipagtakwil ng Aming Ayat (mga katibayan, talata, tanda, aral, atbp.). At pagkatapos ay Aming winasak sila ng matinding pagkawasak
وَقَوْمَ نُوحٍ لَمَّا كَذَّبُوا الرُّسُلَ أَغْرَقْنَاهُمْ وَجَعَلْنَاهُمْ لِلنَّاسِ آيَةً ۖ وَأَعْتَدْنَا لِلظَّالِمِينَ عَذَابًا أَلِيمًا
At ang pamayanan (mga tao) ni Noe, nang sila ay magtakwil sa mga Tagapagbalita, Aming nilunod sila, at sila ay ginawa Namin na isang Tanda para sa sangkatauhan. At inihanda Namin ang isang kasakit-sakit na kaparusahan sa Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
