Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Fath Ayahs #25 Translated in Filipino

وَأُخْرَىٰ لَمْ تَقْدِرُوا عَلَيْهَا قَدْ أَحَاطَ اللَّهُ بِهَا ۚ وَكَانَ اللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرًا
At ang iba pang kapakinabangan (mga tagumpay at mga labi ng digmaan na Kanyang ipinangangako sa inyo) na hindi abot ng inyong lakas at kapangyarihan, katotohanang ito ay iginawad sa inyo ni Allah, at si Allah ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَلَوْ قَاتَلَكُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا لَوَلَّوُا الْأَدْبَارَ ثُمَّ لَا يَجِدُونَ وَلِيًّا وَلَا نَصِيرًا
At kung ang mga hindi sumasampalataya ay makipaglaban sa inyo, katotohanang sila ay magsisitalikod, sa gayon sila ay hindi makakatagpo ng anumang wali (tagapangalaga, tagapagtanggol) gayundin ng kawaksi o tulong
سُنَّةَ اللَّهِ الَّتِي قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلُ ۖ وَلَنْ تَجِدَ لِسُنَّةِ اللَّهِ تَبْدِيلًا
Gayon ang naging Landas (mga palakad at pagtuturing) ni Allah sa kanila na pumanaw na noon pang una, at walang pagbabago kayong makikita sa naging Landas (mga palakad at pagtuturing) ni Allah
وَهُوَ الَّذِي كَفَّ أَيْدِيَهُمْ عَنْكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ عَنْهُمْ بِبَطْنِ مَكَّةَ مِنْ بَعْدِ أَنْ أَظْفَرَكُمْ عَلَيْهِمْ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرًا
At Siya ang pumigil ng kanilang kamay sa inyo (upang kayo ay hindi masaktan), gayundin naman ng inyong kamay sa kanila (upang kayo ay hindi makasakit) doon sa libis ng Makkah, pagkaraang igawad Niya sa inyo ang Tagumpay laban sa kanila. At si Allah ang Lagi nang Lubos na Nakakamasid ng lahat ng inyong ginagawa
هُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ وَالْهَدْيَ مَعْكُوفًا أَنْ يَبْلُغَ مَحِلَّهُ ۚ وَلَوْلَا رِجَالٌ مُؤْمِنُونَ وَنِسَاءٌ مُؤْمِنَاتٌ لَمْ تَعْلَمُوهُمْ أَنْ تَطَئُوهُمْ فَتُصِيبَكُمْ مِنْهُمْ مَعَرَّةٌ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۖ لِيُدْخِلَ اللَّهُ فِي رَحْمَتِهِ مَنْ يَشَاءُ ۚ لَوْ تَزَيَّلُوا لَعَذَّبْنَا الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
Sila yaong hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), at humahadlang sa inyo sa Masjid- ul-Haram (ang Banal na Bahay Dalanginan sa Makkah), at gayundin naman sa inyong pangsakripisyong alay na hayop na kanilang ikinulong upang ito ay hindi makaabot sa pook na pag-aalayan ng inyong sakripisyo. Kung hindi lamang sana sa mga nananampalatayang lalaki at mga nananampalatayang babae na hindi ninyo nakikilala na maaari ninyong mapatay, at dahil dito, ito ay magiging sanhi upang kayo ay makagawa ng pagkakasala (na hindi ninyo nababatid, [si Allah sana ay magpapahintulot sa inyo na sila ay inyong lusubin, datapuwa’t pinigilan Niya ang inyong mga kamay]), upang Kanyang tanggapin sa Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan. Kung sila lamang ay magkalayo (hindi magkalapit ang mga sumasampalataya at mga hindi sumasampalataya), katotohanan, ang mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon ay Aming pinarusahan ng kasakit-sakit na kaparusahan

Choose other languages: