Surah Al-Baqara Ayahs #90 Translated in Filipino
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا بِالْآخِرَةِ ۖ فَلَا يُخَفَّفُ عَنْهُمُ الْعَذَابُ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
Sila ang mga tao na bumibili ng buhay sa mundong ito bilang kapalit ng Kabilang Buhay. Ang kanilang kaparusahan ay hindi pagagaanin at sila rin ay hindi tutulungan
وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَقَفَّيْنَا مِنْ بَعْدِهِ بِالرُّسُلِ ۖ وَآتَيْنَا عِيسَى ابْنَ مَرْيَمَ الْبَيِّنَاتِ وَأَيَّدْنَاهُ بِرُوحِ الْقُدُسِ ۗ أَفَكُلَّمَا جَاءَكُمْ رَسُولٌ بِمَا لَا تَهْوَىٰ أَنْفُسُكُمُ اسْتَكْبَرْتُمْ فَفَرِيقًا كَذَّبْتُمْ وَفَرِيقًا تَقْتُلُونَ
Aming ibinigay kay Moises ang Aklat at Aming sinundan siya ng marami pang Tagapagbalita. Aming isinugo si Hesus na anak ni Maria na may maliwanag na Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) at Aming pinatatag siya ng Banal na Espiritu (Gabriel). Ito ba ang dahilan, na kailanma’t may dumatal na Tagapagbalita sa inyo na hindi ninyo ninanais, kayo ay napupuspos ng kapalaluan? Ang iba ay tinatawag ninyong nagbabalatkayo at ang iba ay inyong pinapatay
وَقَالُوا قُلُوبُنَا غُلْفٌ ۚ بَلْ لَعَنَهُمُ اللَّهُ بِكُفْرِهِمْ فَقَلِيلًا مَا يُؤْمِنُونَ
At sila ay nagsasabi: “Ang aming puso ay nababalutan (alalaong baga, hindi na nakikinig at nakakaunawa ng salita ni Allah).” Hindi, si Allah ang sumumpa sa kanila dahilan sa kawalan nila ng pananalig, kakarampot lamang ang kanilang paniniwala
وَلَمَّا جَاءَهُمْ كِتَابٌ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ مُصَدِّقٌ لِمَا مَعَهُمْ وَكَانُوا مِنْ قَبْلُ يَسْتَفْتِحُونَ عَلَى الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَمَّا جَاءَهُمْ مَا عَرَفُوا كَفَرُوا بِهِ ۚ فَلَعْنَةُ اللَّهِ عَلَى الْكَافِرِينَ
At nang may dumatal sa kanila (ang mga Hudyo) na isang Aklat (ang Qur’an) mula kay Allah na nagpapatotoo kunganoangnasakanila(Torah [mga Batas] at Ebanghelyo), bagama’t noong una ay nanawagan sila kayAllah (sa pagdatal ni Muhammad) upang sila ay magkamit ng tagumpay laban sa mga walang pananampalataya. At nang dumatal sa kanila (ang bagay) na kanilang nakilala (na hindi maipagkakaila), sila ay tumanggi na manalig dito. Kaya’t hayaan ang Sumpa ni Allah ay manatili sa mga walang pananampalataya
بِئْسَمَا اشْتَرَوْا بِهِ أَنْفُسَهُمْ أَنْ يَكْفُرُوا بِمَا أَنْزَلَ اللَّهُ بَغْيًا أَنْ يُنَزِّلَ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۖ فَبَاءُوا بِغَضَبٍ عَلَىٰ غَضَبٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ
Kaaba-aba ang kabayaran sa pagbibili nila ng kanilang sarili (kaluluwa), na sila ay hindi magsisisampalataya (sa bagay) na ipinahayag ni Allah sa kanila (ang Qur’an), na nagngingitngit ang kanilang kalooban na ipinahayag Niya ang Kanyang Biyaya sa sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang mga alipin. Kaya’t pinamayani nila sa kanilang sarili ang sunod-sunod na pagkapoot. At kaaba-aba ang kaparusahan sa mga walang pananampalataya
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
