Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #59 Translated in Filipino

وَإِذْ قُلْتُمْ يَا مُوسَىٰ لَنْ نُؤْمِنَ لَكَ حَتَّىٰ نَرَى اللَّهَ جَهْرَةً فَأَخَذَتْكُمُ الصَّاعِقَةُ وَأَنْتُمْ تَنْظُرُونَ
At alalahanin nang inyong sabihin: “O Moises! Kailanman ay hindi kami maniniwala sa iyo hangga’t hindi namin nakikita nang lantad si Allah.” Datapuwa’t kayo ay sinakmal ng kidlat habang kayo ay nakatitig
ثُمَّ بَعَثْنَاكُمْ مِنْ بَعْدِ مَوْتِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At pagkatapos, kayo ay Aming binuhay mula sa kamatayan upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
وَظَلَّلْنَا عَلَيْكُمُ الْغَمَامَ وَأَنْزَلْنَا عَلَيْكُمُ الْمَنَّ وَالسَّلْوَىٰ ۖ كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ ۖ وَمَا ظَلَمُونَا وَلَٰكِنْ كَانُوا أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
At pinapangyari Namin ang mga ulap na lambungan kayo ng lilim at ipinanaog (Namin) sa inyo ang Manna at mga pugo (at Kami ay nagwika): “Magsikain kayo ng mabubuting bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo.” (Datapuwa’t sila ay nagsipaghimagsik), sila ay hindi nakapagbigay sa Amin ng kapariwaraan, subalit ipinariwara nila ang kanilang sarili
وَإِذْ قُلْنَا ادْخُلُوا هَٰذِهِ الْقَرْيَةَ فَكُلُوا مِنْهَا حَيْثُ شِئْتُمْ رَغَدًا وَادْخُلُوا الْبَابَ سُجَّدًا وَقُولُوا حِطَّةٌ نَغْفِرْ لَكُمْ خَطَايَاكُمْ ۚ وَسَنَزِيدُ الْمُحْسِنِينَ
At alalahanin nang Aming winika: “Magsipasok kayo sa bayang ito (Herusalem) at kayo ay kumain nang masagana at may kasiyahan sa inyong maibigan at tumuloy kayo sa tarangkahan na nagpapatirapa (at may kapakumbabaan) na nagsasabi: “Patawarin (Ninyo) kami”, at Aming ipatatawad ang inyong mga kasalanan at daragdagan (Namin) ang (pabuya) sa mga gumagawa ng katuwiran
فَبَدَّلَ الَّذِينَ ظَلَمُوا قَوْلًا غَيْرَ الَّذِي قِيلَ لَهُمْ فَأَنْزَلْنَا عَلَى الَّذِينَ ظَلَمُوا رِجْزًا مِنَ السَّمَاءِ بِمَا كَانُوا يَفْسُقُونَ
Datapuwa’t ang mga buktot ay nagbigay ng kamalian sa salita na iginawad sa kanila upang (ipahayag) sa iba, kaya’t Aming ipinadala sa mga buktot ang isang salot mula sa langit dahilan sa kanilang paghihimagsik na tumalima kay Allah

Choose other languages: