Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #50 Translated in Filipino

الَّذِينَ يَظُنُّونَ أَنَّهُمْ مُلَاقُو رَبِّهِمْ وَأَنَّهُمْ إِلَيْهِ رَاجِعُونَ
Na namamalagi sa kanilang isipan at may katiyakan na kanilang makakadaupang palad ang kanilang Panginoon at sila sa Kanya ay magbabalik
يَا بَنِي إِسْرَائِيلَ اذْكُرُوا نِعْمَتِيَ الَّتِي أَنْعَمْتُ عَلَيْكُمْ وَأَنِّي فَضَّلْتُكُمْ عَلَى الْعَالَمِينَ
o Angkan ng Israel! Alalahanin ninyo ang Aking Biyaya na Aking ipinagkaloob sa inyo, na kayo ay higit Kong pinahalagahan sa lahat ng mga nilalang (sa inyong kapanahunan na lumipas)
وَاتَّقُوا يَوْمًا لَا تَجْزِي نَفْسٌ عَنْ نَفْسٍ شَيْئًا وَلَا يُقْبَلُ مِنْهَا شَفَاعَةٌ وَلَا يُؤْخَذُ مِنْهَا عَدْلٌ وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ
At inyong pangambahan ang Araw (ng Paghuhukom) na ang bawat isa ay hindi makakaasa ng tulong ng iba; na ang pamamagitan (ng iba) ay hindi tatanggapin sa kanya at wala ring kabayaran ang tatanggapin mula sa kanya at sila rin ay hindi matutulungan
وَإِذْ نَجَّيْنَاكُمْ مِنْ آلِ فِرْعَوْنَ يَسُومُونَكُمْ سُوءَ الْعَذَابِ يُذَبِّحُونَ أَبْنَاءَكُمْ وَيَسْتَحْيُونَ نِسَاءَكُمْ ۚ وَفِي ذَٰلِكُمْ بَلَاءٌ مِنْ رَبِّكُمْ عَظِيمٌ
At alalahanin nang kayo ay Aming iniligtas sa mga tao ni Paraon na naglalapat sa inyo ng kasakit-sakit na kaparusahan; na pumapatay sa inyong mga anak na lalaki at hinahayaang buhay ang inyong kababaihan, at naririto ang matinding pagsubok mula sa inyong Panginoon
وَإِذْ فَرَقْنَا بِكُمُ الْبَحْرَ فَأَنْجَيْنَاكُمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ وَأَنْتُمْ تَنْظُرُونَ
At alalahanin nang Aming hinati ang dagat para sa inyo at iniligtas kayo, at (Aming) nilunod ang mga tao ni Paraon sa harap ng inyong paningin

Choose other languages: