Surah Al-Baqara Ayahs #39 Translated in Filipino
وَقُلْنَا يَا آدَمُ اسْكُنْ أَنْتَ وَزَوْجُكَ الْجَنَّةَ وَكُلَا مِنْهَا رَغَدًا حَيْثُ شِئْتُمَا وَلَا تَقْرَبَا هَٰذِهِ الشَّجَرَةَ فَتَكُونَا مِنَ الظَّالِمِينَ
At Aming winika: “o Adan! Manirahan ka at ang iyong asawa sa Halamanan at kumain kayo rito ng mga masaganang bagay (saan man at kailanman) ninyo naisin, datapuwa’t huwag ninyong lapitan ang punong ito, baka kayo ay mapasadlak sa kapahamakan at paglabag.”
فَأَزَلَّهُمَا الشَّيْطَانُ عَنْهَا فَأَخْرَجَهُمَا مِمَّا كَانَا فِيهِ ۖ وَقُلْنَا اهْبِطُوا بَعْضُكُمْ لِبَعْضٍ عَدُوٌّ ۖ وَلَكُمْ فِي الْأَرْضِ مُسْتَقَرٌّ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ
(Ngunit hindi naglaon) ay ginawa ni Satanas na sila ay makatalilis dito (sa Halamanan) at hinayaan silang makalabas sa katayuan (ng katahimikan) na dati nilang kinalalagyan. Kami (Allah) ay nagwika: “Magsibaba kayo, lahat, ng may pagkagalit sa pagitan ninyo. Ang kalupaan ang inyong magiging tahanan at isang pansamantalang kaligayahan.”
فَتَلَقَّىٰ آدَمُ مِنْ رَبِّهِ كَلِمَاتٍ فَتَابَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّهُ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ
At si Adan ay tumanggap ng mga Salita (Kapahayagan) mula sa kanyang Panginoon at ang kanyang Panginoon ay nagpatawad sa kanya (tumanggap sa kanyang pagsisisi). Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
قُلْنَا اهْبِطُوا مِنْهَا جَمِيعًا ۖ فَإِمَّا يَأْتِيَنَّكُمْ مِنِّي هُدًى فَمَنْ تَبِعَ هُدَايَ فَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Aming (Allah) winika: “Magsibaba kayong lahat sa pook na ito (Paraiso), at kailanma’t may dumatal na patnubay mula sa Akin, at sinumang sumunod sa Aking patnubay, sila ay hindi magkakaroon ng pangamba, gayundin naman sila ay walang kalumbayan.”
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۖ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Datapuwa’t ang mga nagtatakwil ng Pananampalataya at nagpapasinungaling sa Aming Ayat (kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), sila ang magsisipanahan sa Apoy; maniniharan sila rito magpakailanman
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
