Surah Al-Baqara Ayahs #282 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَذَرُوا مَا بَقِيَ مِنَ الرِّبَا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo si Allah, at inyong ipagparaya (huwag nang ipabayad) ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang (magmula ngayon), kung kayo ay tunay na sumasampalataya
فَإِنْ لَمْ تَفْعَلُوا فَأْذَنُوا بِحَرْبٍ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَإِنْ تُبْتُمْ فَلَكُمْ رُءُوسُ أَمْوَالِكُمْ لَا تَظْلِمُونَ وَلَا تُظْلَمُونَ
At kung ito ay hindi ninyo gawin, inyong maalaman ang (mabubuong) digmaan mula kay Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (alalaong baga, ang isang nagpapatubo ng salapi ay nakikipaglaban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), datapuwa’t kung kayo ay magsisi, sasainyo ang halaga na inyong ipinautang. Huwag kayong makitungo ng walang katarungan at kayo rin naman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan
وَإِنْ كَانَ ذُو عُسْرَةٍ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيْسَرَةٍ ۚ وَأَنْ تَصَدَّقُوا خَيْرٌ لَكُمْ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At kung ang nagkakautang ay nasa kahirapan (o gipit), inyong gawaran siya ng palugit hanggang sa maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapuwa’t kung ipatawad ninyo ito at ibigay sa kanya bilang kawanggawa, ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman
وَاتَّقُوا يَوْمًا تُرْجَعُونَ فِيهِ إِلَى اللَّهِ ۖ ثُمَّ تُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَا كَسَبَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
At pangambahan ninyo ang Araw na kayo ay ibabalik kay Allah. Sa gayon, ang bawat kaluluwa ay babayaran ng ayon sa kanyang kinita at sinuman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا تَدَايَنْتُمْ بِدَيْنٍ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى فَاكْتُبُوهُ ۚ وَلْيَكْتُبْ بَيْنَكُمْ كَاتِبٌ بِالْعَدْلِ ۚ وَلَا يَأْبَ كَاتِبٌ أَنْ يَكْتُبَ كَمَا عَلَّمَهُ اللَّهُ ۚ فَلْيَكْتُبْ وَلْيُمْلِلِ الَّذِي عَلَيْهِ الْحَقُّ وَلْيَتَّقِ اللَّهَ رَبَّهُ وَلَا يَبْخَسْ مِنْهُ شَيْئًا ۚ فَإِنْ كَانَ الَّذِي عَلَيْهِ الْحَقُّ سَفِيهًا أَوْ ضَعِيفًا أَوْ لَا يَسْتَطِيعُ أَنْ يُمِلَّ هُوَ فَلْيُمْلِلْ وَلِيُّهُ بِالْعَدْلِ ۚ وَاسْتَشْهِدُوا شَهِيدَيْنِ مِنْ رِجَالِكُمْ ۖ فَإِنْ لَمْ يَكُونَا رَجُلَيْنِ فَرَجُلٌ وَامْرَأَتَانِ مِمَّنْ تَرْضَوْنَ مِنَ الشُّهَدَاءِ أَنْ تَضِلَّ إِحْدَاهُمَا فَتُذَكِّرَ إِحْدَاهُمَا الْأُخْرَىٰ ۚ وَلَا يَأْبَ الشُّهَدَاءُ إِذَا مَا دُعُوا ۚ وَلَا تَسْأَمُوا أَنْ تَكْتُبُوهُ صَغِيرًا أَوْ كَبِيرًا إِلَىٰ أَجَلِهِ ۚ ذَٰلِكُمْ أَقْسَطُ عِنْدَ اللَّهِ وَأَقْوَمُ لِلشَّهَادَةِ وَأَدْنَىٰ أَلَّا تَرْتَابُوا ۖ إِلَّا أَنْ تَكُونَ تِجَارَةً حَاضِرَةً تُدِيرُونَهَا بَيْنَكُمْ فَلَيْسَ عَلَيْكُمْ جُنَاحٌ أَلَّا تَكْتُبُوهَا ۗ وَأَشْهِدُوا إِذَا تَبَايَعْتُمْ ۚ وَلَا يُضَارَّ كَاتِبٌ وَلَا شَهِيدٌ ۚ وَإِنْ تَفْعَلُوا فَإِنَّهُ فُسُوقٌ بِكُمْ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ وَيُعَلِّمُكُمُ اللَّهُ ۗ وَاللَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nakikipagkasundo sa bawat isa sa mga pakikipagkalakalan na tumutukoy sa panghinaharap na obligasyon sa isang natataningang panahon, ilagay ninyo ito sa kasulatan. Hayaan ang isang tagasulat ay matapat na magtala sa pinagkasunduan ng dalawang panig; huwag hayaan na ang tagasulat ay tumanggi na magsulat sa paraan na ipinag- utos ni Allah sa kanya, kaya’t hayaan siya na magsulat. Hayaan siya na may pagkakautang ang magdikta at dapat niyang pangambahan si Allah na kanyang Panginoon at huwag niyang bawasan ang anumang kanyang nautang. Kung ang panig na may pananagutan ay makitid ang isip, o mahina, o hindi niya kaya ang magdikta, hayaan ang kanyang tagapangalaga ang matapat na magdikta. At kayo ay kumuha ng dalawang saksi mula sa inyong kalalakihan. At kung wala ng dalawang lalaki, kung gayon ay isang lalaki at dalawang babae na inyong mapili bilang mga saksi, upang kung ang isa sa kanila (babae) ay malitang, ang isa ay makapagpapaala-ala sa kanya. Ang mga saksi ay hindi marapat na tumanggi kung sila ay tawagin (upang magbigay ng patibay). Huwag hayaan na maging tamad na isulat (ang inyong kasunduan), kahima’t ito ay maliit o malaki; ito ay higit na makatarungan sa Paningin ni Allah, at higit na akmang katibayan, at isang ginhawa upang mapigilan ang alinlangan sa pagitan nila, maliban na lamang kung ito ay isang pakikipagkalakalan na ngayo’t ngayon din (alalaong baga ay hora-horada, narito ang kalakal ko, tinanggap ko ang bayad mo), na pinagkasunduan sa pagitan ninyo, kung gayon, ito ay hindi isang kasalanan sa inyo kung ito ay hindi ninyo naisulat. Datapuwa’t kayo ay laging kumuha ng mga saksi sa anumang oras na kayo ay gumawa ng kasunduan sa pakikipagkalakalan. At huwag hayaan ang sinuman sa sumusulat at sumasaksi na ito ay magdulot sa kanya ng kapinsalaan (alalaong baga, bigyan sila ng hindi marapat na kapanagutan o panagutin sila kung anuman ang mangyari). Kung kayo ay gumawa (ng gayong kapinsalaan), ito ay isang kabuktutan mula sa inyo. Kaya’t magkaroon ng pagkatakot kay Allah sapagkat si Allah ang nagtuturo sa inyo. At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng lahat ng bagay
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
