Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #237 Translated in Filipino

وَالْوَالِدَاتُ يُرْضِعْنَ أَوْلَادَهُنَّ حَوْلَيْنِ كَامِلَيْنِ ۖ لِمَنْ أَرَادَ أَنْ يُتِمَّ الرَّضَاعَةَ ۚ وَعَلَى الْمَوْلُودِ لَهُ رِزْقُهُنَّ وَكِسْوَتُهُنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۚ لَا تُكَلَّفُ نَفْسٌ إِلَّا وُسْعَهَا ۚ لَا تُضَارَّ وَالِدَةٌ بِوَلَدِهَا وَلَا مَوْلُودٌ لَهُ بِوَلَدِهِ ۚ وَعَلَى الْوَارِثِ مِثْلُ ذَٰلِكَ ۗ فَإِنْ أَرَادَا فِصَالًا عَنْ تَرَاضٍ مِنْهُمَا وَتَشَاوُرٍ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْهِمَا ۗ وَإِنْ أَرَدْتُمْ أَنْ تَسْتَرْضِعُوا أَوْلَادَكُمْ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِذَا سَلَّمْتُمْ مَا آتَيْتُمْ بِالْمَعْرُوفِ ۗ وَاتَّقُوا اللَّهَ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Ang mga ina ay magpapasuso sa kanilang mga anak sa loob ng dalawang taon, (ito ay) para (sa mga magulang) na nagnanais na ganapin ang natatakdaang panahon ng pagpapasuso, datapuwa’t ang ama ng bata ang siyang mananagot sa halaga ng pagkain at kasuutan ng ina sa katamtamang paraan. walang sinumang tao ang papatawan ng dalahin ng higit sa kanyang kakayahan. walang sinumang ina ang pakikitunguhan nang hindi makatuwiran dahilan lamang sa kanyang anak, gayundin ang ama, dahilan lamang sa kanyang anak. At sa tagapagmana (ng ama) ay kapanagutan sa kanya (ang anak) ang katulad (ng kung ano ang kapanagutan ng ama). Kung sila ay kapwa nagpasya sa pag-awat (sa pagpapasuso) sa kanya, sa magkapanabay na pahintulot, ito ay hindi kasalanan sa kanilang dalawa. At kung kayo ay nagpasya na mayroong isa na mag-alaga at magpasuso (bilang) ina sa inyong mga anak, ito ay hindi kasalanan sa inyo, ngunit kailangan ninyong bayaran (ang nagpasusong ina) kung ano ang inyong pinagkasunduan (na ibigay sa kanya) sa makatuwirang paraan. At inyong pangambahan si Allah at inyong maalaman na si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa
وَالَّذِينَ يُتَوَفَّوْنَ مِنْكُمْ وَيَذَرُونَ أَزْوَاجًا يَتَرَبَّصْنَ بِأَنْفُسِهِنَّ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍ وَعَشْرًا ۖ فَإِذَا بَلَغْنَ أَجَلَهُنَّ فَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا فَعَلْنَ فِي أَنْفُسِهِنَّ بِالْمَعْرُوفِ ۗ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
At sa inyo na pumanaw at nakaiwan ng asawa, sila (na mga babaeng balo) ay maghihintay (tungkol sa kanilang naging pagsasama) sa loob ng apat na buwan at sampung araw, at kung kanilang naganap na ang natatakdaang araw, hindi isang kasalanan sa inyo kung sila (balong babae) ay magpasya sa kanilang sarili sa makatuwiran at marangal na paraan (alalaong baga, ang makapag-asawang muli). At si Allah ang Ganap na Nakakatalos ng inyong ginagawa
وَلَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ فِيمَا عَرَّضْتُمْ بِهِ مِنْ خِطْبَةِ النِّسَاءِ أَوْ أَكْنَنْتُمْ فِي أَنْفُسِكُمْ ۚ عَلِمَ اللَّهُ أَنَّكُمْ سَتَذْكُرُونَهُنَّ وَلَٰكِنْ لَا تُوَاعِدُوهُنَّ سِرًّا إِلَّا أَنْ تَقُولُوا قَوْلًا مَعْرُوفًا ۚ وَلَا تَعْزِمُوا عُقْدَةَ النِّكَاحِ حَتَّىٰ يَبْلُغَ الْكِتَابُ أَجَلَهُ ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي أَنْفُسِكُمْ فَاحْذَرُوهُ ۚ وَاعْلَمُوا أَنَّ اللَّهَ غَفُورٌ حَلِيمٌ
Hindi kasalanan sa inyo kung kayo ay magpahiwatig ng kasunduang magpakasal o ilingid ninyo ito sa inyong sarili. Si Allah ang nakakabatid na ito ay inaasam-asam ninyo sa inyong puso; datapuwa’t huwag kayong mangako ng kasunduan sa kanila sa lingid, maliban na kayo ay mangusap sa kanila sa marangal na pagsasalita ayon sa Batas Islamiko. At huwag ninyong gawing ganap ang pag-aasawa hangga’t ang natatakdaang araw ay hindi pa natatapos. At inyong maalaman na nababatid ni Allah ang nasa inyong isipan, kaya’t pangambahan Siya. At inyong maalaman na si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamapagpaumanhin
لَا جُنَاحَ عَلَيْكُمْ إِنْ طَلَّقْتُمُ النِّسَاءَ مَا لَمْ تَمَسُّوهُنَّ أَوْ تَفْرِضُوا لَهُنَّ فَرِيضَةً ۚ وَمَتِّعُوهُنَّ عَلَى الْمُوسِعِ قَدَرُهُ وَعَلَى الْمُقْتِرِ قَدَرُهُ مَتَاعًا بِالْمَعْرُوفِ ۖ حَقًّا عَلَى الْمُحْسِنِينَ
Hindi isang kasalanan sa inyo kung inyong hiwalayan (diborsyuhin) ang kababaihan kahit na sila ay hindi pa ninyo nakakaulayaw o hindi pa naibibigay ang Mahr (dote o handog na ibinibigay ng lalaki sa babae sa panahon ng pag-aasawa). Datapuwa’t sila ay inyong gawaran (ng angkop na handog), ang mayaman ng ayon sa kanyang kakayahan, at ng mahirap ng ayon sa kanyang kakayahan; ang isang handog sa makatuwirang halaga ay nanggagaling sa kanya na nagnanais na gumawa ng mabuti
وَإِنْ طَلَّقْتُمُوهُنَّ مِنْ قَبْلِ أَنْ تَمَسُّوهُنَّ وَقَدْ فَرَضْتُمْ لَهُنَّ فَرِيضَةً فَنِصْفُ مَا فَرَضْتُمْ إِلَّا أَنْ يَعْفُونَ أَوْ يَعْفُوَ الَّذِي بِيَدِهِ عُقْدَةُ النِّكَاحِ ۚ وَأَنْ تَعْفُوا أَقْرَبُ لِلتَّقْوَىٰ ۚ وَلَا تَنْسَوُا الْفَضْلَ بَيْنَكُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
At kung sila (ang kababaihan) ay inyong hiniwalayan (dinoborsyo) bago pa sila ay inyong makaulayaw, datapuwa’t pagkaraan na ang Mahr (dote o handog) ay napagpasyahan na, kung gayon, ang kalahati ng Mahr (dote o handog) ay nalalaan sa kanila, maliban na lamang (kung ang kababaihan) ay pumayag na hayaan na lamang (sa lalaki) ito, o kung (ang lalaki) ay pumayag na hayaan na lamang (sa babae) ang lahat ng ito. At ang magparaya at magbigay (sa kanya ng buong Mahr [dote o handog]) ay higit na malapit sa kabanalan. At huwag ninyong kaligtaan ang pagiging mapagparaya sa inyong sarili. Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakamasid ng inyong ginagawa

Choose other languages: