Surah Al-Araf Ayahs #55 Translated in Filipino
الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَهْوًا وَلَعِبًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ نَنْسَاهُمْ كَمَا نَسُوا لِقَاءَ يَوْمِهِمْ هَٰذَا وَمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَجْحَدُونَ
Na nagturing sa kanilang pananampalataya bilang isang paglilibang at paglalaro, at ang buhay ng mundong ito ay luminlang sa kanila.” Kaya’t sa Araw na ito, sila ay Aming kalilimutan, kung paano rin naman nila kinalimutan ang pakikipagtipan ng kanilang Araw, sapagkat sila ay nagtakwil sa Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, tanda, aral, atbp)
وَلَقَدْ جِئْنَاهُمْ بِكِتَابٍ فَصَّلْنَاهُ عَلَىٰ عِلْمٍ هُدًى وَرَحْمَةً لِقَوْمٍ يُؤْمِنُونَ
Katiyakang Kami ay nagpadala sa kanila ng isang Aklat (ang Qur’an), na Aming ipinaliwanag sa masusing paraan ng may karunungan, - isang patnubay at habag sa mga tao na sumasampalataya
هَلْ يَنْظُرُونَ إِلَّا تَأْوِيلَهُ ۚ يَوْمَ يَأْتِي تَأْوِيلُهُ يَقُولُ الَّذِينَ نَسُوهُ مِنْ قَبْلُ قَدْ جَاءَتْ رُسُلُ رَبِّنَا بِالْحَقِّ فَهَلْ لَنَا مِنْ شُفَعَاءَ فَيَشْفَعُوا لَنَا أَوْ نُرَدُّ فَنَعْمَلَ غَيْرَ الَّذِي كُنَّا نَعْمَلُ ۚ قَدْ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ وَضَلَّ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَفْتَرُونَ
Sila baga’y nagsisipaghintay lamang sa huling katuparan ng gayong pangyayari? Sa Araw na ang pangyayari ay ganap nang natupad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay), sila na nagpabaya rito noon ay magsasabi: “Tunay nga, ang mga Tagapagbalita ng aming Panginoon ay dumatal na may Katotohanan, ngayon, mayroon pa bang mga tagapamagitan sa amin upang sila ay makapamagitan sa aming kapakanan? o maaari ba na kami ay muling ibalik (sa unang buhay sa mundo) upang kami ay makagawa ng (mabubuting) gawa, maliban pa roon sa (masasamang) gawa na aming ginawa?” Katotohanang ipinariwara nila ang kanilang sarili (alalaong baga, winasak ang kanilang sarili), at ang nakahiratihan na nilang kabulaanan (pagdalangin at pagsamba sa mga iba maliban pa kay Allah, katulad ng mga diyus-diyosan at imahen), ay lumayo na sa kanila
إِنَّ رَبَّكُمُ اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ يُغْشِي اللَّيْلَ النَّهَارَ يَطْلُبُهُ حَثِيثًا وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ وَالنُّجُومَ مُسَخَّرَاتٍ بِأَمْرِهِ ۗ أَلَا لَهُ الْخَلْقُ وَالْأَمْرُ ۗ تَبَارَكَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ
Katotohanan, ang inyong Panginoon ay si Allah, na lumikha sa kalangitan at kalupaan sa Anim na Araw at Siya ay nag-Istawa (pumaitaas) sa Luklukan (sa paraang naaangkop sa Kanyang Kamahalan). Tinakpan Niya ang gabi ng araw (maghapon), na mabilis na nagsasalitan sa isa’t isa, at (Kanyang nilikha) ang araw, ang buwan, at ang mga bituin ay ipinailalim Niya sa Kanyang Pag-uutos. Maluwalhati si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang
ادْعُوا رَبَّكُمْ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُعْتَدِينَ
Panikluhuran ninyo ang inyong Panginoon ng may kapakumbabaan at sa lihim. Siya ay hindi nalulugod sa mga lumalabag sa pag-uutos
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
