Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #135 Translated in Filipino

فَإِذَا جَاءَتْهُمُ الْحَسَنَةُ قَالُوا لَنَا هَٰذِهِ ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ يَطَّيَّرُوا بِمُوسَىٰ وَمَنْ مَعَهُ ۗ أَلَا إِنَّمَا طَائِرُهُمْ عِنْدَ اللَّهِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ
Datapuwa’t kailanma’t may mabuti na sumapit sa kanila, sila ay nagsasabi: “Ito ay amin.” At kung ang kasamaan ay maminsala sa kanila, sila ay nagtuturing dito na ito ay sanhi ng masamang pangitain na nakakabit kay Moises at sa kanyang mga kasama. Inyong maalaman! Ang kanilang masamang pangitain ay nasa (karunungan) ni Allah datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakaalam
وَقَالُوا مَهْمَا تَأْتِنَا بِهِ مِنْ آيَةٍ لِتَسْحَرَنَا بِهَا فَمَا نَحْنُ لَكَ بِمُؤْمِنِينَ
Sila ay nagsabi (kay Moises): “Anumang Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ang iyong dalhin sa amin, upang gumawa na kasama rito ang iyong panggagaway sa amin, kailanman ay hindi kami sasampalataya sa iyo.”
فَأَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الطُّوفَانَ وَالْجَرَادَ وَالْقُمَّلَ وَالضَّفَادِعَ وَالدَّمَ آيَاتٍ مُفَصَّلَاتٍ فَاسْتَكْبَرُوا وَكَانُوا قَوْمًا مُجْرِمِينَ
Kaya’t Aming ipinadala sa kanila (ang mga ito): ang baha, ang mga tipaklong, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo: (bilang sunod-sunod) na mga maliliwanag na Tanda, datapuwa’t sila ay nanatili na mga palalo, at sila ay nasa lipon ng mga tao na Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
وَلَمَّا وَقَعَ عَلَيْهِمُ الرِّجْزُ قَالُوا يَا مُوسَى ادْعُ لَنَا رَبَّكَ بِمَا عَهِدَ عِنْدَكَ ۖ لَئِنْ كَشَفْتَ عَنَّا الرِّجْزَ لَنُؤْمِنَنَّ لَكَ وَلَنُرْسِلَنَّ مَعَكَ بَنِي إِسْرَائِيلَ
At nang ang kaparusahan ay sumapit sa kanila, sila ay nagsabi: “o Moises. Panikluhuran mo ang iyong Panginoon para sa amin dahilan sa Kanyang pangako sa iyo. Kung iyong papawiin ang kaparusahan sa amin, katotohanang kami ay sasampalataya sa iyo at hahayaan namin ang Angkan ng Israelayhumayonakasamamo.”
فَلَمَّا كَشَفْنَا عَنْهُمُ الرِّجْزَ إِلَىٰ أَجَلٍ هُمْ بَالِغُوهُ إِذَا هُمْ يَنْكُثُونَ
Datapuwa’tnangAming pawiin ang kaparusahan sa kanila sa isang natatakdaang panahon, na marapat nilang sapitin, pagmasdan! Sila ay sumira sa kanilang salita

Choose other languages: