Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #118 Translated in Filipino

قَالَ نَعَمْ وَإِنَّكُمْ لَمِنَ الْمُقَرَّبِينَ
Siya (Paraon) ay nagsabi: “oo, at higit pa riyan, (kung kayo ay magtagumpay), kayo ay magiging pinakamalapit (sa akin).”
قَالُوا يَا مُوسَىٰ إِمَّا أَنْ تُلْقِيَ وَإِمَّا أَنْ نَكُونَ نَحْنُ الْمُلْقِينَ
Sila ay nagsabi: “o Moises! Maaaring ikaw ang (maunang) maghagis, o sa amin ang (unang) hagis?”
قَالَ أَلْقُوا ۖ فَلَمَّا أَلْقَوْا سَحَرُوا أَعْيُنَ النَّاسِ وَاسْتَرْهَبُوهُمْ وَجَاءُوا بِسِحْرٍ عَظِيمٍ
Siya (Moises) ay nagsabi: “Kayo ang (maunang) maghagis.” Kaya’t nang sila ang maghagis, kanilang ginaway ang mga mata ng mga tao at naghatid sila ng lagim sa kanila, at sila ay nagpamalas ng dakilang salamangka
وَأَوْحَيْنَا إِلَىٰ مُوسَىٰ أَنْ أَلْقِ عَصَاكَ ۖ فَإِذَا هِيَ تَلْقَفُ مَا يَأْفِكُونَ
At Aming binigyan ng inspirasyon si Moises (na nagsasabi): “Ihagis mo ang iyong tungkod”, at pagmalasin!, ito ay lumulon nang walang humpay sa lahat ng mga kabulaanan na kanilang itinambad
فَوَقَعَ الْحَقُّ وَبَطَلَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Kaya’t ang katotohanan ay napatibayan, at ang lahat ng kanilang ginawa ay walang saysay

Choose other languages: