Surah Al-Ankabut Ayahs #50 Translated in Filipino
وَلَا تُجَادِلُوا أَهْلَ الْكِتَابِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ ۖ وَقُولُوا آمَنَّا بِالَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَأُنْزِلَ إِلَيْكُمْ وَإِلَٰهُنَا وَإِلَٰهُكُمْ وَاحِدٌ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ
At huwag kayong makipagtalo sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), maliban lamang sa mabuting paraan (may magandang pananalita at mabuting asal na nag-aanyaya sa kanila sa Islam, sa Kanyang Kaisahan, at sa Kanyang mga Talata), tangi na lamang sa kanila na mga tao na gumagawa ng kamalian, inyong sabihin sa kanila: “Kami ay sumasampalataya sa Kapahayagan na ipinarating sa amin at sa kapahayagan na ipinadala sa inyo; ang aming Ilah (diyos) at inyong Ilah (diyos) ay Iisa (alalaong baga, si Allah); at kami ay sa Kanya lamang tumatalima (bilang mga Muslim).”
وَكَذَٰلِكَ أَنْزَلْنَا إِلَيْكَ الْكِتَابَ ۚ فَالَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَمِنْ هَٰؤُلَاءِ مَنْ يُؤْمِنُ بِهِ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الْكَافِرُونَ
Kaya’t Aming ipinanaog ang Aklat (ang Qur’an) sa iyo (o Muhammad), at sila na pinagpahayagan Namin ng Kasulatan (ang Torah [mga Batas] at Ebanghelyo noong panahong nauna) ay nananalig dito (sa Qur’an), gayundin ang iba sa kanila (na paganong Arabo), datapuwa’t ang mga walang pananalig lamang ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp. at nagtatatwa sa Kaisahan ni Allah sa Kanyang Pamamanginoon, sa Tanging Pagsamba lamang sa Kanya at sa Kanyang Tanging Pangalan at Katangian)
وَمَا كُنْتَ تَتْلُو مِنْ قَبْلِهِ مِنْ كِتَابٍ وَلَا تَخُطُّهُ بِيَمِينِكَ ۖ إِذًا لَارْتَابَ الْمُبْطِلُونَ
At ikaw (o Muhammad) ay hindi pa nakabasa ng Aklat na una pa rito (sa Qur’an), gayundin naman, ikaw ay hindi rin sumulat ng anumang aklat sa iyong kanang kamay. Sa gayong pangyayari, katotohanan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay nag-aalinlangan (sa Qur’an)
بَلْ هُوَ آيَاتٌ بَيِّنَاتٌ فِي صُدُورِ الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ ۚ وَمَا يَجْحَدُ بِآيَاتِنَا إِلَّا الظَّالِمُونَ
Hindi, datapuwa’t ang mga ito, ang maliwanag na Ayat (alalaong baga, ang paglalarawan at mga katangian ng Propetang si Muhammad na nasusulat sa mga talata ng Torah at ng Ebanghelyo), ay nakatimo sa dibdib (puso) ng mga nabigyan ng Karunungan (mula sa Angkan ng Kasulatan, alalaong baga, mga Hudyo at Kristiyano). At wala ng iba pa maliban sa Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ang nagtatakwil sa Aming Ayat (mga tanda, katibayan, aral, kapahayagan, atbp)
وَقَالُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ آيَاتٌ مِنْ رَبِّهِ ۖ قُلْ إِنَّمَا الْآيَاتُ عِنْدَ اللَّهِ وَإِنَّمَا أَنَا نَذِيرٌ مُبِينٌ
Gayunpaman, sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang mga Tanda ay hindi ipinanaog sa kanya mula sa kanyang Panginoon?” Ipagbadya: “Ang mga Tanda ay katotohanang na kay Allah lamang, at ako ay isa lamang hayag na tagapagbabala.”
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
