Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anfal Ayahs #58 Translated in Filipino

كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ ۙ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِ رَبِّهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَغْرَقْنَا آلَ فِرْعَوْنَ ۚ وَكُلٌّ كَانُوا ظَالِمِينَ
(Ang kanilang pag-uugali) ay katulad ng pag-uugali ng mga Tao ni Paraon, at ng mga nangauna sa kanila. Sila ay nagpabulaan sa Ayat (mga katibayan, talata, aral, tanda, kapahayagan, atbp.) ng kanilang Panginoon, kaya’t Aming winasak sila dahilan sa kanilang kasalanan, at Aming nilunod ang mga Tao ni Paraon sapagkat silang lahat ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kamalian, buktot, atbp)
إِنَّ شَرَّ الدَّوَابِّ عِنْدَ اللَّهِ الَّذِينَ كَفَرُوا فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
Katotohanan, ang pinakamasama sa lahat ng kumikilos (nabubuhay) na nilalang sa Paningin ni Allah ay ang mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah, na sumasamba sa iba maliban pa sa Kanya, nagtatakwil sa mga Tagapagbalita, at hindi naniniwala sa Kasulatan), kaya’t sila ay hindi (na) mananampalataya
الَّذِينَ عَاهَدْتَ مِنْهُمْ ثُمَّ يَنْقُضُونَ عَهْدَهُمْ فِي كُلِّ مَرَّةٍ وَهُمْ لَا يَتَّقُونَ
Sila yaon, na inyong ginawan ng kasunduan, datapuwa’t sinisira nila ang kanilang kasunduan sa bawat panahon, at sila ay hindi nangangamba kay Allah
فَإِمَّا تَثْقَفَنَّهُمْ فِي الْحَرْبِ فَشَرِّدْ بِهِمْ مَنْ خَلْفَهُمْ لَعَلَّهُمْ يَذَّكَّرُونَ
Kaya’t kung kayo ay naging bihasa na, ng higit sa kanila sa labanan, sila ay inyong parusahan nang matindi upang inyong mapalis ang mga (nagtataguyod) sa likuran nila, upang sila ay magkamit ng aral
وَإِمَّا تَخَافَنَّ مِنْ قَوْمٍ خِيَانَةً فَانْبِذْ إِلَيْهِمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۚ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ الْخَائِنِينَ
Kung ikaw (o Muhammad) ay nangangamba sa kataksilan mula sa sinumang pangkat, iyong ipukol (ang kanilang kasunduan) sa kanila (upang ito ay maging) patas (na wala ng kasunduan sa inyong pagitan [ikaw at sila]). Katotohanang si Allah ay hindi nalulugod sa mga taksil

Choose other languages: