Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #99 Translated in Filipino

وَحَرَامٌ عَلَىٰ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا أَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُونَ
Isang pagbabawal ang inilaan sa lahat ng bawat bayan (pamayanan) na Aming winasak, na sila ay hindi na makakabalik (na muli sa mundong ito, gayundin ang magsisi sa Amin)
حَتَّىٰ إِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوجُ وَمَأْجُوجُ وَهُمْ مِنْ كُلِّ حَدَبٍ يَنْسِلُونَ
Hanggang kung sina Gog at Magog (mga tribo o tao) ay hayaan na makawala (sa kanilang hadlang), at sila ay mabilis na magsipangakalat sa bawat talampas
وَاقْتَرَبَ الْوَعْدُ الْحَقُّ فَإِذَا هِيَ شَاخِصَةٌ أَبْصَارُ الَّذِينَ كَفَرُوا يَا وَيْلَنَا قَدْ كُنَّا فِي غَفْلَةٍ مِنْ هَٰذَا بَلْ كُنَّا ظَالِمِينَ
At ang Tunay na Pangako (Araw ng Muling Pagkabuhay) ay malapit na (sa katuparan). At kung (ang sangkatauhan ay ibangon na mula sa kanilang libingan), mapagmamalas ninyo ang mga mata ng mga hindi sumasampalataya na nakatitig sa pagkasindak. (Sila ay mangungusap): “Sa aba namin! Katotohanang kami ay hindi sumunod dito; hindi, (walang alinlangan) na kami ay Zalimun (buhong, buktot, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp).”
إِنَّكُمْ وَمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ حَصَبُ جَهَنَّمَ أَنْتُمْ لَهَا وَارِدُونَ
Katiyakan! Kayo (na hindi sumasampalataya) at gayundin ang inyong mga sinasamba maliban pa kay Allah, ay (wala ng iba) kundi mga panggatong sa Impiyerno! (Katotohanang) kayo ay magsisipasok dito
لَوْ كَانَ هَٰؤُلَاءِ آلِهَةً مَا وَرَدُوهَا ۖ وَكُلٌّ فِيهَا خَالِدُونَ
Kung ang mga (imaheng ito, atbp.) ay naging mga diyos (nga), sila sana ay hindi magsisipasok dito (Impiyerno), [datapuwa’t] silang lahat ay mananatili rito

Choose other languages: