Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #96 Translated in Filipino

إِنَّ هَٰذِهِ أُمَّتُكُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَأَنَا رَبُّكُمْ فَاعْبُدُونِ
Katotohanan! Ito, ang inyong relihiyon (ang Islam at Kaisahan ni Allah) ay isang relihiyon, at Ako ang inyong Panginoon, kaya’t tanging Ako lamang ang sambahin ninyo
وَتَقَطَّعُوا أَمْرَهُمْ بَيْنَهُمْ ۖ كُلٌّ إِلَيْنَا رَاجِعُونَ
Datapuwa’t sila (ang mga pagano, mapagsamba sa diyus-diyosan, Hudyo, Kristiyano, atbp.) ay sumira at nagpangkat-pangkat ng kanilang relihiyon (nilabag ang Kaisahan ni Allah at ang Islam sa pamamagitan ng iba’t ibang sekta) sa lipon nila. (At) silang lahat ay muling magbabalik sa Amin
فَمَنْ يَعْمَلْ مِنَ الصَّالِحَاتِ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَا كُفْرَانَ لِسَعْيِهِ وَإِنَّا لَهُ كَاتِبُونَ
Kaya’t sinuman ang gumawa ng matutuwid na gawa habang siya ay nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), ang kanyang mga pagsisikhay ay hindi tatanggihan. Katotohanang itinatala Namin ito sa kanyang Aklat ng mga gawa
وَحَرَامٌ عَلَىٰ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا أَنَّهُمْ لَا يَرْجِعُونَ
Isang pagbabawal ang inilaan sa lahat ng bawat bayan (pamayanan) na Aming winasak, na sila ay hindi na makakabalik (na muli sa mundong ito, gayundin ang magsisi sa Amin)
حَتَّىٰ إِذَا فُتِحَتْ يَأْجُوجُ وَمَأْجُوجُ وَهُمْ مِنْ كُلِّ حَدَبٍ يَنْسِلُونَ
Hanggang kung sina Gog at Magog (mga tribo o tao) ay hayaan na makawala (sa kanilang hadlang), at sila ay mabilis na magsipangakalat sa bawat talampas

Choose other languages: