Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #60 Translated in Filipino

قَالَ بَلْ رَبُّكُمْ رَبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ الَّذِي فَطَرَهُنَّ وَأَنَا عَلَىٰ ذَٰلِكُمْ مِنَ الشَّاهِدِينَ
Siya ay nagsabi: “Hindi, ang inyong Panginoon ay Siyang Panginoon ng kalangitan at kalupaan na lumikha sa kanila, at ako ay isa sa mga Saksi (sa ganitong katotohanan)
وَتَاللَّهِ لَأَكِيدَنَّ أَصْنَامَكُمْ بَعْدَ أَنْ تُوَلُّوا مُدْبِرِينَ
“At sa pamamagitan ni Allah, ako ay magbabalak ng isang plano (upang wasakin) ang inyong mga diyus-diyosan (imahen) matapos na kayo ay umalis at magsitalikod.”
فَجَعَلَهُمْ جُذَاذًا إِلَّا كَبِيرًا لَهُمْ لَعَلَّهُمْ إِلَيْهِ يَرْجِعُونَ
Kaya’t winasak niya ito (mga imahen) sa maraming piraso, (ang lahat-lahat) maliban lamang sa pinakamalaki sa mga ito, upang sila ay makapansin dito
قَالُوا مَنْ فَعَلَ هَٰذَا بِآلِهَتِنَا إِنَّهُ لَمِنَ الظَّالِمِينَ
Sila ay nagsabi: “Sino ang gumawa nito sa aming aliah (mga diyos)? Katiyakang siya ay isa sa mga mapaggawa ng kamalian.”
قَالُوا سَمِعْنَا فَتًى يَذْكُرُهُمْ يُقَالُ لَهُ إِبْرَاهِيمُ
Sila ay nagsabi: “Narinig namin ang isang binata na nagsasabi (ng laban) sa mga ito (imahen) na ang pangalan ay Abraham.”

Choose other languages: