Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #37 Translated in Filipino

وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ وَالشَّمْسَ وَالْقَمَرَ ۖ كُلٌّ فِي فَلَكٍ يَسْبَحُونَ
At Siya ang lumikha ng gabi at ng maghapon, at ng araw at ng buwan, ang bawa’t isa ay nasa orbito (pag-inog) na lumulutang
وَمَا جَعَلْنَا لِبَشَرٍ مِنْ قَبْلِكَ الْخُلْدَ ۖ أَفَإِنْ مِتَّ فَهُمُ الْخَالِدُونَ
At hindi Namin ipinagkaloob sa sinumang tao ang imortalidad (kawalan ng kamatayan) maging noong una pa sa iyo (O Muhammad), kaya’t kung ikaw ay mamatay, sila ba ay mabubuhay nang walang hanggan
كُلُّ نَفْسٍ ذَائِقَةُ الْمَوْتِ ۗ وَنَبْلُوكُمْ بِالشَّرِّ وَالْخَيْرِ فِتْنَةً ۖ وَإِلَيْنَا تُرْجَعُونَ
Ang bawat tao (kaluluwa) ay makakalasap ng kamatayan, at kayo ay Aming susubukan sa kabutihan at kasamaan, at kayo sa Amin ay ibabalik
وَإِذَا رَآكَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ يَتَّخِذُونَكَ إِلَّا هُزُوًا أَهَٰذَا الَّذِي يَذْكُرُ آلِهَتَكُمْ وَهُمْ بِذِكْرِ الرَّحْمَٰنِ هُمْ كَافِرُونَ
At kung ang mga hindi sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah) ay makita ka (o Muhammad), ikaw ay hindi nila pinapansin maliban na ikaw ay libakin na nagsasabi: “Siya ba (Muhammad) ang nagsasabi ng masama tungkol sa inyong mga diyos?” At sila ay lumalapastangan (hindi naniniwala) kapag nababanggit ang Pinakamapagpala (Allah)
خُلِقَ الْإِنْسَانُ مِنْ عَجَلٍ ۚ سَأُرِيكُمْ آيَاتِي فَلَا تَسْتَعْجِلُونِ
Ang tao ay nilikha sa pagmamadali (o isang likha na nagmamadali), ipapakita Ko sa inyo ang Aking Ayat (parusa, mga katibayan, talata, aral, tanda, atbp.). Kaya’t huwag ninyong hilingin na Aking madaliin (ang mga ito)

Choose other languages: