Surah Al-Anbiya Ayahs #29 Translated in Filipino
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ
At hindi Namin isinugo ang sinumang Tagapagbalita bago pa sa iyo (o Muhammad), na hindi Namin binigyan ng inspirasyon (na magsabi): “La ilaha illa Ana (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin [Allah]), kaya’t sambahin Ako (ng Tangi at wala ng iba).”
وَقَالُوا اتَّخَذَ الرَّحْمَٰنُ وَلَدًا ۗ سُبْحَانَهُ ۚ بَلْ عِبَادٌ مُكْرَمُونَ
At sila ay nagsisipagturing: “Ang Pinakamapagpala (Allah) ay nagkaroon ng anak (na lalaki o mga supling).” Luwalhatiin Siya! Sila (na tinatawag nilang mga anak ni Allah tulad ng mga anghel, si Hesus na anak ni Maria, si Ezra, atbp.) ay mga mararangal na alipin lamang
لَا يَسْبِقُونَهُ بِالْقَوْلِ وَهُمْ بِأَمْرِهِ يَعْمَلُونَ
Sila ay hindi nangungusap hanggang Siya ay hindi pa nakakapangusap, at sila ay gumagawa ayon sa Kanyang pag-uutos
يَعْلَمُ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ وَلَا يَشْفَعُونَ إِلَّا لِمَنِ ارْتَضَىٰ وَهُمْ مِنْ خَشْيَتِهِ مُشْفِقُونَ
Talastas Niya kung ano ang nasa harapan nila, at kung ano ang nasa likuran nila, at sila ay hindi makakapamagitan maliban sa kanya na Kanyang maibigan. At sila ay nakatindig ng may pangingimi dahilan sa pangangamba sa Kanya
وَمَنْ يَقُلْ مِنْهُمْ إِنِّي إِلَٰهٌ مِنْ دُونِهِ فَذَٰلِكَ نَجْزِيهِ جَهَنَّمَ ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الظَّالِمِينَ
At kung sinuman sa kanila ang magsabi: “Katotohanang ako ang Ilah (isang diyos) liban pa sa Kanya (Allah),” siya (kung sinuman) ay Aming babayaran ng Impiyerno. Kaya’t sa ganito Namin bibigyang ganti ang Zalimun (mga pagano, buktot, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
