Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #108 Translated in Filipino

يَوْمَ نَطْوِي السَّمَاءَ كَطَيِّ السِّجِلِّ لِلْكُتُبِ ۚ كَمَا بَدَأْنَا أَوَّلَ خَلْقٍ نُعِيدُهُ ۚ وَعْدًا عَلَيْنَا ۚ إِنَّا كُنَّا فَاعِلِينَ
At (alalahanin) ang Araw na Aming babalunbunin ang kalangitan na tulad ng papel na nakabalunbon para sa mga aklat, at (kung paano) Namin sinimulan ang unang paglikha, Aming panunumbalikin itong muli, (ito) ay pangako na Aming tutuparin sa inyo. Katotohanang Aming tutuparin ito
وَلَقَدْ كَتَبْنَا فِي الزَّبُورِ مِنْ بَعْدِ الذِّكْرِ أَنَّ الْأَرْضَ يَرِثُهَا عِبَادِيَ الصَّالِحُونَ
At katotohanang Aming isinulat sa Zabur (alalaong baga, ang lahat ng mga Aklat ng Kapahayagan tulad ng Torah, Ebanghelyo, ang Qur’an) matapos (na Aming maisulat) ito sa Al-Lauh Al-Mahfuz (ang Aklat na nasa pag-iingat ni Allah sa Kalangitan), upang ang Aking mabubuting lingkod ay magmana sa Kalupaan (alalaong baga, sa kalupaan ng Paraiso)
إِنَّ فِي هَٰذَا لَبَلَاغًا لِقَوْمٍ عَابِدِينَ
Katotohanang dito (sa Qur’an) ay mayroong maliwanag na Mensahe sa mga tao na sumasamba kay Allah (alalaong baga, ang tunay na nananalig sa Islam, sumusunod sa Qur’an at sa mga pamamaraan ng Propeta)
وَمَا أَرْسَلْنَاكَ إِلَّا رَحْمَةً لِلْعَالَمِينَ
At ikaw (o Muhammad) ay hindi Namin isinugo, maliban lamang na tanging Habag sa Aalamin (sangkatauhan, mga Jinn, at lahat ng mga nilalang)
قُلْ إِنَّمَا يُوحَىٰ إِلَيَّ أَنَّمَا إِلَٰهُكُمْ إِلَٰهٌ وَاحِدٌ ۖ فَهَلْ أَنْتُمْ مُسْلِمُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sa akin ay ipinahayag na ang inyong Ilah (diyos) ay isa lamang Ilah (diyos, si Allah). Hindi baga kayo tatalima sa Kanyang Kalooban (na maging Muslim at magtigil sa pagsamba sa iba pa maliban kay Allah)?”

Choose other languages: