Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #65 Translated in Filipino

وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۖ وَيُرْسِلُ عَلَيْكُمْ حَفَظَةً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ تَوَفَّتْهُ رُسُلُنَا وَهُمْ لَا يُفَرِّطُونَ
Siya ay hindi Mapapasubalian, na Nakakapangyari sa Kanyang mga alipin, at Siya ay nagsusugo ng mga tagapangalaga (mga anghel na nagbabantay at nagtatala ng bawat isa sa ating mabubuti at masasamang gawa) para sa inyo, hanggang kung ang kamatayan ay dumatal sa isa sa inyo, ang Aming mga mensahero (ang anghel ng kamatayan at kanyang kawaksi) ay kukuha ng kanyang kaluluwa, at sila ay hindi nakakalimot sa kanilang tungkulin
ثُمَّ رُدُّوا إِلَى اللَّهِ مَوْلَاهُمُ الْحَقِّ ۚ أَلَا لَهُ الْحُكْمُ وَهُوَ أَسْرَعُ الْحَاسِبِينَ
(At pagkaraan) sila ay ibabalik kay Allah, ang kanilang Maula (ang Tunay na Panginoon [Diyos], ang Makatarungang Panginoon [upang sila ay gantimpalaan]). Katotohanang nasa Kanya ang pagpapasya at Siya ay Maagap sa Pagsusulit
قُلْ مَنْ يُنَجِّيكُمْ مِنْ ظُلُمَاتِ الْبَرِّ وَالْبَحْرِ تَدْعُونَهُ تَضَرُّعًا وَخُفْيَةً لَئِنْ أَنْجَانَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa kadiliman (mga kapahamakan sa mga daluyong) ng kalupaan at ng karagatan, nang manikluhod kayo sa Kanya sa kababaang loob at sa lihim (na nagsasabi): Kung Siya (Allah) ay magliligtas lamang sa atin sa ganitong (kapahamakan), kami ay tunay na magkakaroon ng pagtanaw ng utang na loob.”
قُلِ اللَّهُ يُنَجِّيكُمْ مِنْهَا وَمِنْ كُلِّ كَرْبٍ ثُمَّ أَنْتُمْ تُشْرِكُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Si Allah ang nagliligtas sa inyo sa ganito at gayundin sa (iba pang) kapahamakan, datapuwa’t kayo ay sumasamba pa rin sa mga iba maliban pa kay Allah.”
قُلْ هُوَ الْقَادِرُ عَلَىٰ أَنْ يَبْعَثَ عَلَيْكُمْ عَذَابًا مِنْ فَوْقِكُمْ أَوْ مِنْ تَحْتِ أَرْجُلِكُمْ أَوْ يَلْبِسَكُمْ شِيَعًا وَيُذِيقَ بَعْضَكُمْ بَأْسَ بَعْضٍ ۗ انْظُرْ كَيْفَ نُصَرِّفُ الْآيَاتِ لَعَلَّهُمْ يَفْقَهُونَ
Ipagbadya: “Siya (Allah) ay may kapangyarihan na magparating ng kaparusahan sa inyo mula sa itaas o sa ilalim ng inyong mga paa, o lambungan kayo ng kalituhan sa alitan ng (inyong) pangkat, at gawin (Niya) na inyong malasap ang karahasan sa isa’t isa. Pagmasdan, kung paano Namin ipinapaliwanag sa maraming paraan ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), upang sila ay makaunawa

Choose other languages: