Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #55 Translated in Filipino

وَأَنْذِرْ بِهِ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْ يُحْشَرُوا إِلَىٰ رَبِّهِمْ ۙ لَيْسَ لَهُمْ مِنْ دُونِهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
At bigyang babala na kalakip (ang Qur’an) yaong mga nangangamba na sila ay titipunin sa harapan ng kanilang Panginoon, kung saan doon ay walang magiging tagapangalaga o tagapamagitan para sa kanila maliban sa Kanya, upang sa gayon ay kanilang pangambahan si Allah at panatilihin ang kanilang tungkulin sa Kanya (sa pamamagitan nang pag-iwas sa paggawa ng mga kasalanan at sa paggawa ng lahat ng mabubuti at matutuwid na bagay na Kanyang ipinag-utos)
وَلَا تَطْرُدِ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ مَا عَلَيْكَ مِنْ حِسَابِهِمْ مِنْ شَيْءٍ وَمَا مِنْ حِسَابِكَ عَلَيْهِمْ مِنْ شَيْءٍ فَتَطْرُدَهُمْ فَتَكُونَ مِنَ الظَّالِمِينَ
At huwag ninyong itaboy ang mga naninikluhod sa kanilang Panginoon, sa umaga at hapon na naghahanap ng Kanyang Mukha. Kayo ay walang pananagutan sa kanila sa anuman, at sila ay walang pananagutan sa inyo sa anuman, upang sila ay inyong itaboy, at kung magkagayon, (kayo) ay magiging (isa) sa Zalimun (mga walang katarungan)
وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لِيَقُولُوا أَهَٰؤُلَاءِ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنْ بَيْنِنَا ۗ أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِالشَّاكِرِينَ
Kaya’t Aming sinubukan ang ilan sa kanila na kasama pa ang iba, upang sila ay makapagsabi: “Sila ba ang (mga dukhang sumasampalataya) na higit na biniyayaan ni Allah sa aming lipon? Hindi baga talastas na mabuti ni Allah kung sino ang mga may damdamin ng pasasalamat?”
وَإِذَا جَاءَكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِنَا فَقُلْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۖ كَتَبَ رَبُّكُمْ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۖ أَنَّهُ مَنْ عَمِلَ مِنْكُمْ سُوءًا بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَصْلَحَ فَأَنَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kung ang mga sumasampalataya sa Aming Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) ay lumapit sa iyo, ipagbadya: “Salamun alaikum (ang kapayapaan ay sumainyo); anginyong Panginoonaysumulatng Habagmula sa Kanyang Sarili, upang kung sinuman sa inyo ang gumawa ng kasamaan dahil sa kawalang kaalaman, at pagkatapos ay nagtika at gumawa ng matutuwid at mabubuting bagay (sa pagsunod kay Allah), kung gayon, katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.”
وَكَذَٰلِكَ نُفَصِّلُ الْآيَاتِ وَلِتَسْتَبِينَ سَبِيلُ الْمُجْرِمِينَ
At sa ganito Namin ipinapaliwanag ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) sa masusing paraan, upang ang landas ng Mujrimun (mga kriminal, mapagsamba sa diyus- diyosan, buktot, buhong, atbp.) ay maging maliwanag

Choose other languages: