Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #143 Translated in Filipino

وَقَالُوا مَا فِي بُطُونِ هَٰذِهِ الْأَنْعَامِ خَالِصَةٌ لِذُكُورِنَا وَمُحَرَّمٌ عَلَىٰ أَزْوَاجِنَا ۖ وَإِنْ يَكُنْ مَيْتَةً فَهُمْ فِيهِ شُرَكَاءُ ۚ سَيَجْزِيهِمْ وَصْفَهُمْ ۚ إِنَّهُ حَكِيمٌ عَلِيمٌ
At sila ay nagsasabi: “Kung ano ang nasa sinapupunan (tiyan) ng gayon at gayong bakahan (gatas o bakang nabuo sa sinapupunan), ito ay para sa aming kalalakihan lamang, at ipinagbabawal sa aming kababaihan (bata at matanda), datapuwa’t kung ito ay patay nang ipanganak, kung gayon, ang lahat ay may kabahagi rito.” Siya (Allah) ay magpaparusa sa kanila, dahilan sa kanilang pag-aakibat (ng gayong maling pag-uutos kay Allah). Katotohanang Siya ang Kapaham-pahaman, ang Tigib ng Karunungan
قَدْ خَسِرَ الَّذِينَ قَتَلُوا أَوْلَادَهُمْ سَفَهًا بِغَيْرِ عِلْمٍ وَحَرَّمُوا مَا رَزَقَهُمُ اللَّهُ افْتِرَاءً عَلَى اللَّهِ ۚ قَدْ ضَلُّوا وَمَا كَانُوا مُهْتَدِينَ
Katotohanang sila ay mga talunan (o naliligaw), na pumatay ng kanilang mga anak, dahilan sa kahangalan, na walang kaalaman, at nagbawal sa mga bagay na ipinagkaloob sa kanila ni Allah, at kumakatha ng kasinungalingan laban kayAllah. Katotohanang sila ay humantong sa pagkaligaw at hindi napapatnubayan
وَهُوَ الَّذِي أَنْشَأَ جَنَّاتٍ مَعْرُوشَاتٍ وَغَيْرَ مَعْرُوشَاتٍ وَالنَّخْلَ وَالزَّرْعَ مُخْتَلِفًا أُكُلُهُ وَالزَّيْتُونَ وَالرُّمَّانَ مُتَشَابِهًا وَغَيْرَ مُتَشَابِهٍ ۚ كُلُوا مِنْ ثَمَرِهِ إِذَا أَثْمَرَ وَآتُوا حَقَّهُ يَوْمَ حَصَادِهِ ۖ وَلَا تُسْرِفُوا ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُسْرِفِينَ
At Siya (Allah) ang nagpayabong ng mga halaman na (gumagapang) sa balag at maging sa mga hindi (gumagapang), at ng mga punong palmera (datiles), at mga pananim na may iba’t ibang hugis at lasa (sa kanyang bunga at buto), at oliba, at mga granada (pomegrenates), na magkatulad (sa uri) at magkaiba (sa lasa). Kumain kayo ng kanilang bunga kung sila ay mamunga, datapuwa’t magbayad kayo ng nararapat dito (ang Zakah nito, alalaong baga, ang nauukol na kawanggawa ayon sa pag-uutos ni Allah, 1/10 o 1/20 nito) sa araw ng pag-aani. Datapuwa’t huwag maging mapag-aksaya (maluho). Katotohanang Siya ay hindi nalulugod sa mga maluluho
وَمِنَ الْأَنْعَامِ حَمُولَةً وَفَرْشًا ۚ كُلُوا مِمَّا رَزَقَكُمُ اللَّهُ وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ ۚ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
At sa mga bakahan (ay may iba) na ginagamit sa paghila at (ang iba) ay maliliit (na hindi makakahila ng mga dalahin). Kumain kayo sa mga bagay na ipinagkaloob ni Allah sa inyo, at huwag ninyong sundan ang mga bakas ni Satanas. Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway
ثَمَانِيَةَ أَزْوَاجٍ ۖ مِنَ الضَّأْنِ اثْنَيْنِ وَمِنَ الْمَعْزِ اثْنَيْنِ ۗ قُلْ آلذَّكَرَيْنِ حَرَّمَ أَمِ الْأُنْثَيَيْنِ أَمَّا اشْتَمَلَتْ عَلَيْهِ أَرْحَامُ الْأُنْثَيَيْنِ ۖ نَبِّئُونِي بِعِلْمٍ إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ
(Kumuha kayo) ng walo (sa apat na pares) ng tupa, dalawang (lalaki at babae), at ng kambing, dalawang (lalaki at babae). Ipagbadya: “Kanya (Allah) bagang ipinagbawal ang dalawang lalaki o ang dalawang babae, o (ang bulo) na kinukupkop sa mga sinapupunan ng dalawang babae? Sabihin ninyo sa akin ng may kaalaman kung kayo ay matatapat.” ‘

Choose other languages: