Surah Al-Anaam Ayahs #122 Translated in Filipino
فَكُلُوا مِمَّا ذُكِرَ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ إِنْ كُنْتُمْ بِآيَاتِهِ مُؤْمِنِينَ
Kaya’t inyong kainin ang (karne o laman ng hayop) na ang Ngalan ni Allah ay inusal (habang kinakatay ang hayop) kung kayo ay sumasampalataya sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, tanda, kapahayagan, atbp)
وَمَا لَكُمْ أَلَّا تَأْكُلُوا مِمَّا ذُكِرَ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَقَدْ فَصَّلَ لَكُمْ مَا حَرَّمَ عَلَيْكُمْ إِلَّا مَا اضْطُرِرْتُمْ إِلَيْهِ ۗ وَإِنَّ كَثِيرًا لَيُضِلُّونَ بِأَهْوَائِهِمْ بِغَيْرِ عِلْمٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِالْمُعْتَدِينَ
At bakit hindi ninyo kakainin ang gayong (karne), na ang Ngalan ni Allah ay inusal (sa sandali nang pagkatay sa hayop), samantalang ipinaliwanag Niya sa inyo sa masusing paraan kung ano ang ipinagbabawal sa inyo, maliban na lamang sa mga hindi maiiwasang (pangyayari) dahilan sa (matinding) pangangailangan? At katotohanan, marami ang umaakay (sa sangkatauhan) na maligaw sa pamamagitan ng kanilang sariling pagnanasa dahilan sa kawalan ng karunungan. Katiyakang talastas ng inyong Panginoon ang (mga tao) na pinakamagaling sa paglabag
وَذَرُوا ظَاهِرَ الْإِثْمِ وَبَاطِنَهُ ۚ إِنَّ الَّذِينَ يَكْسِبُونَ الْإِثْمَ سَيُجْزَوْنَ بِمَا كَانُوا يَقْتَرِفُونَ
Iwan ninyo (o sangkatauhan, ang lahat ng uri) ng kasalanan, lantad man o lihim. Katotohanan, ang gumagawa ng kasalanan ay makakatanggap ng nararapat na kabayaran sa kanilang mga ginawa
وَلَا تَأْكُلُوا مِمَّا لَمْ يُذْكَرِ اسْمُ اللَّهِ عَلَيْهِ وَإِنَّهُ لَفِسْقٌ ۗ وَإِنَّ الشَّيَاطِينَ لَيُوحُونَ إِلَىٰ أَوْلِيَائِهِمْ لِيُجَادِلُوكُمْ ۖ وَإِنْ أَطَعْتُمُوهُمْ إِنَّكُمْ لَمُشْرِكُونَ
Huwag ninyong kainin (O mga sumasampalataya) ang (karne) na hindi inusal ang Ngalan ni Allah (sa sandali nang pagkatay sa hayop), katiyakang ito ay Fisq (isang kasalanan at pagsuway kay Allah). At katiyakan ang mga diyablo ay nang-uulot sa kanilang mga kaibigan (mula sa sangkatauhan) na makipagtalo sa inyo, at kung sila ay inyong sundin (na gawing pinahihintulutan ang Almaytata [patay na karne] na kainin ito), kung gayon, katiyakang kayo ay Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus- diyosan, sapagkat ang mga diyablo at ang kanilang mga kaibigan ay ginawang pinahihintulutan sa inyo ang bagay na ipinagbabawal ni Allah na kainin, at sa pagsunod sa kanila, ito ay isang pagsamba sa kanila)
أَوَمَنْ كَانَ مَيْتًا فَأَحْيَيْنَاهُ وَجَعَلْنَا لَهُ نُورًا يَمْشِي بِهِ فِي النَّاسِ كَمَنْ مَثَلُهُ فِي الظُّلُمَاتِ لَيْسَ بِخَارِجٍ مِنْهَا ۚ كَذَٰلِكَ زُيِّنَ لِلْكَافِرِينَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Siya kaya na patay (walang Pananalig dahilan sa walang kamuwangan at kawalan ng paniniwala), na ginawaran Namin ng buhay (kaalaman sa pananampalataya), upang siya ay makalakad sa lipon ng mga tao, ay katulad niya na nasa kadiliman (nasa kawalan ng pananalig, pagsamba sa diyus-diyosan at pagkukunwari), na rito siya ay hindi makakalabas? Kaya’t ginawa na maging kalugod-lugod sa mga hindi sumasampalataya ang mga bagay na kanilang ginagawa
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
