Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Ahzab Ayahs #38 Translated in Filipino

وَاذْكُرْنَ مَا يُتْلَىٰ فِي بُيُوتِكُنَّ مِنْ آيَاتِ اللَّهِ وَالْحِكْمَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ لَطِيفًا خَبِيرًا
At alalahanin (o kayong mga kasapi ng pamilya ng Propeta, ang mga biyaya ng inyong Panginoon), ang mga dinadalit at ipinaparinig sa inyo sa inyong mga tahanan na mga Tanda (mga Talata ng Qur’an at Sawikain ng Propeta) ni Allah at Kanyang Karunungan; katotohanang si Allah ay Ganap na Mapitagan at Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
إِنَّ الْمُسْلِمِينَ وَالْمُسْلِمَاتِ وَالْمُؤْمِنِينَ وَالْمُؤْمِنَاتِ وَالْقَانِتِينَ وَالْقَانِتَاتِ وَالصَّادِقِينَ وَالصَّادِقَاتِ وَالصَّابِرِينَ وَالصَّابِرَاتِ وَالْخَاشِعِينَ وَالْخَاشِعَاتِ وَالْمُتَصَدِّقِينَ وَالْمُتَصَدِّقَاتِ وَالصَّائِمِينَ وَالصَّائِمَاتِ وَالْحَافِظِينَ فُرُوجَهُمْ وَالْحَافِظَاتِ وَالذَّاكِرِينَ اللَّهَ كَثِيرًا وَالذَّاكِرَاتِ أَعَدَّ اللَّهُ لَهُمْ مَغْفِرَةً وَأَجْرًا عَظِيمًا
Katotohanan, ang mga Muslim (sila na sumusuko kay Allah sa Islam), lalaki at babae, ang mga sumasampalatayang lalaki at babae (na nananalig sa Kaisahan ni Allah), ang mga matimtiman at masunuring lalaki at babae (kay Allah), ang mgalalakiatbabaenanagsasabingkatotohanan(sakanilang pananalita at gawa), ang mga lalaki at babae na matiyaga (sa pagsasagawa ng lahat ng mga tungkulin na iniatas ni Allah at pag-iwas sa lahat ng Kanyang ipinagbabawal), ang mga lalaki at babae na nagpapakumbaba (sa harapan ng kanilang Panginoon, - Allah), ang mga lalaki at babae na nagbibigay ng kawanggawa (ang katungkulang kawanggawa, ang Zakah, [gayundin] ang boluntaryong kawanggawa tulad ng limos, tulong, atbp.), ang mga lalaki at babae na nag-aayuno (ang katungkulang pag-aayuno sa buwan ng ramadhan at mga boluntaryong pag-aayuno o Nawafil), ang mga lalaki at babae na nagpapanatili sa kanilang kalinisan (sa mga bawal na pakikipagtalik), ang mga lalaki at babae na labis na nag-aala-ala kay Allah sa pamamagitan ng kanilang mga dila at puso (habang nakaupo, nakatayo at nakahimlay at dumadalit ng mga pagpupuri at pagluwalhati sa Kanya), sa kanila ay inihanda ni Allah ang pagpapatawad at malaking gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
وَمَا كَانَ لِمُؤْمِنٍ وَلَا مُؤْمِنَةٍ إِذَا قَضَى اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَمْرًا أَنْ يَكُونَ لَهُمُ الْخِيَرَةُ مِنْ أَمْرِهِمْ ۗ وَمَنْ يَعْصِ اللَّهَ وَرَسُولَهُ فَقَدْ ضَلَّ ضَلَالًا مُبِينًا
Hindi marapat sa isang nananampalataya, lalaki man o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasyahan na ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita, na magkaroon pa kayo ng pamimilian sa kanilang pasya; at kung sinuman ang sumuway kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, katotohanang siya ay napaligaw sa maling landas
وَإِذْ تَقُولُ لِلَّذِي أَنْعَمَ اللَّهُ عَلَيْهِ وَأَنْعَمْتَ عَلَيْهِ أَمْسِكْ عَلَيْكَ زَوْجَكَ وَاتَّقِ اللَّهَ وَتُخْفِي فِي نَفْسِكَ مَا اللَّهُ مُبْدِيهِ وَتَخْشَى النَّاسَ وَاللَّهُ أَحَقُّ أَنْ تَخْشَاهُ ۖ فَلَمَّا قَضَىٰ زَيْدٌ مِنْهَا وَطَرًا زَوَّجْنَاكَهَا لِكَيْ لَا يَكُونَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ حَرَجٌ فِي أَزْوَاجِ أَدْعِيَائِهِمْ إِذَا قَضَوْا مِنْهُنَّ وَطَرًا ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ مَفْعُولًا
At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Harithah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula kay Allah (sa pamamagitan nang pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam) at ng iyong paglingap (o Muhammad, sa kanya): “Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo si Allah.” Datapuwa’t ikinubli mo (Muhammad) sa iyong puso (alalaong baga, ang bagay na ipinaalam na ni Allah sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ibibigay sa iyo sa pag-aasawa), ang bagay na nais na maging lantad ni Allah; pinangambahan mo (Muhammad) ang mga tao (alalaong baga, na si Muhammad ay ikinasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa’t higit na katumpakan na ikaw (Muhammad) ay mangamba kay Allah. At nang pawalang bisa ni Zaid (ang kanyang kasal sa pamamagitan ng diborsyo) sa kanya [Zainab], ay Aming pinagsama kayo ([Muhammad at Zainab] sa kasal) upang sa gayon, (sa darating na panahon), ay wala ng maging sagabal sa mga sumasampalataya (tungkol sa bagay) ng kanilang pag-aasawa sa (naging) mga asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang bisa (ng kanilang kasal o magdiborsyo) sa kanila. At ang pag-uutos ni Allah ay marapat na maganap
مَا كَانَ عَلَى النَّبِيِّ مِنْ حَرَجٍ فِيمَا فَرَضَ اللَّهُ لَهُ ۖ سُنَّةَ اللَّهِ فِي الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلُ ۚ وَكَانَ أَمْرُ اللَّهِ قَدَرًا مَقْدُورًا
Hindi isang kasalanan sa Propeta ang anumang bagay na ginawang legal (pinahihintulutan) ni Allah sa kanya. Ito ang Pamamaraan ni Allah sa mga tao (mga Propeta) ng panahong lumipas. At ang Pag-uutos ni Allah ay isang Utos na naitakda na

Choose other languages: