Quran Apps in many lanuages:

Surah Aal-E-Imran Ayahs #41 Translated in Filipino

فَتَقَبَّلَهَا رَبُّهَا بِقَبُولٍ حَسَنٍ وَأَنْبَتَهَا نَبَاتًا حَسَنًا وَكَفَّلَهَا زَكَرِيَّا ۖ كُلَّمَا دَخَلَ عَلَيْهَا زَكَرِيَّا الْمِحْرَابَ وَجَدَ عِنْدَهَا رِزْقًا ۖ قَالَ يَا مَرْيَمُ أَنَّىٰ لَكِ هَٰذَا ۖ قَالَتْ هُوَ مِنْ عِنْدِ اللَّهِ ۖ إِنَّ اللَّهَ يَرْزُقُ مَنْ يَشَاءُ بِغَيْرِ حِسَابٍ
Kaya’t ang kanyang Panginoon (Allah) ay tumanggap sa kanya (Maria) ng may mabuting pagtanggap. Hinayaan Niya na siya ay lumaki sa kagandahang asal at siya ay itinagubilin sa ilalim ng pangangalaga ni Zakarias. Sa bawat sandali na siya (Zakarias) ay pumapasok sa Al Mihrab (isang silid dasalan o pribadong silid) upang (bisitahin) siya, kanyang natatagpuan siya na maraming pagkain. Siya ay nagsabi: “o Maria! Saan mo ba nakikita ang mga ito? Siya ay nagsabi: “Mula kay Allah.” Katotohanang si Allah ay nagkakaloob ng ikabubuhay sa sinumang Kanyang maibigan ng walang pagbibilang (pasubali)
هُنَالِكَ دَعَا زَكَرِيَّا رَبَّهُ ۖ قَالَ رَبِّ هَبْ لِي مِنْ لَدُنْكَ ذُرِّيَّةً طَيِّبَةً ۖ إِنَّكَ سَمِيعُ الدُّعَاءِ
At sa sandaling ito, si Zakarias ay nanikluhod sa kanyang Panginoon na nagsasabi: “o aking Panginoon! Ako ay gawaran (Ninyo) mula sa Inyo ng isang mabuting supling. Katotohanang Kayo ang Ganap na Nakakarinig ng panawagan.”
فَنَادَتْهُ الْمَلَائِكَةُ وَهُوَ قَائِمٌ يُصَلِّي فِي الْمِحْرَابِ أَنَّ اللَّهَ يُبَشِّرُكَ بِيَحْيَىٰ مُصَدِّقًا بِكَلِمَةٍ مِنَ اللَّهِ وَسَيِّدًا وَحَصُورًا وَنَبِيًّا مِنَ الصَّالِحِينَ
At (di naglaon) ang mga anghel ay tumawag sa kanya, habang siya ay nakatindig sa pananalangin sa loob ng Al-Mihrab (na nagsasabi): “Si Allah ay naghahatid sa iyo ng masayang balita ni Yahya (Juan) na nananampalataya sa salita na mula kay Allah (alalaong baga, sa pagkalikha kay Hesus [Mangyari nga! At siya ay nalikha! Si Hesus na anak ni Maria]), marangal, na nananatiling malayo sa pakikipag-ulayaw sa mga babae, isang Propeta, at isa sa mga matutuwid.”
قَالَ رَبِّ أَنَّىٰ يَكُونُ لِي غُلَامٌ وَقَدْ بَلَغَنِيَ الْكِبَرُ وَامْرَأَتِي عَاقِرٌ ۖ قَالَ كَذَٰلِكَ اللَّهُ يَفْعَلُ مَا يَشَاءُ
Siya (Zakarias) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Paano akong magkakaroon ng anak na lalaki, gayong ako ay lubhang matanda na, at ang aking asawa ay baog?” Si Allah ay nagwika: “Si Allah ay gumagawa ng anumang Kanyang naisin.”
قَالَ رَبِّ اجْعَلْ لِي آيَةً ۖ قَالَ آيَتُكَ أَلَّا تُكَلِّمَ النَّاسَ ثَلَاثَةَ أَيَّامٍ إِلَّا رَمْزًا ۗ وَاذْكُرْ رَبَّكَ كَثِيرًا وَسَبِّحْ بِالْعَشِيِّ وَالْإِبْكَارِ
Siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Gumawa Kayo ng tanda para sa akin.” Si Allah ay nagwika: “Ang iyong tanda ay mangyayari na ikaw ay hindi makakapangusap sa sangkatauhan sa loob ng tatlong araw maliban lamang sa senyas. At labis mong alalahanin ang iyong Panginoon (sa pamamagitan ng pagpupuri sa Kanya nang paulit-ulit), at luwalhatiin mo (Siya) sa hapon at sa umaga.”

Choose other languages: