Quran Apps in many lanuages:

Surah Aal-E-Imran Ayahs #123 Translated in Filipino

هَا أَنْتُمْ أُولَاءِ تُحِبُّونَهُمْ وَلَا يُحِبُّونَكُمْ وَتُؤْمِنُونَ بِالْكِتَابِ كُلِّهِ وَإِذَا لَقُوكُمْ قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا عَضُّوا عَلَيْكُمُ الْأَنَامِلَ مِنَ الْغَيْظِ ۚ قُلْ مُوتُوا بِغَيْظِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Ah! Kayo ang mga nagmamahal sa kanila datapuwa’t sila ay hindi nagmamahal sa inyo, at kayo ay nananampalataya sa lahat ng mga Kasulatan (alalaong baga, kayo ay naniniwala sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo, samantalang sila ay hindi naniniwala sa inyong Aklat, ang Qur’an). At kung sila ay makadaupang palad ninyo, sila ay nagsasabi, “Kami ay sumasampalataya”. Subalit kung sila ay nag-iisa, kanilang kinakagat ang dulo ng kanilang daliri dahil sa galit sa inyo. Ipagbadya: “Kayo ay maglalaho sa inyong galit.” Katiyakang batid ni Allah kung ano ang (lahat ng lihim) na nasa dibdib
إِنْ تَمْسَسْكُمْ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ وَإِنْ تُصِبْكُمْ سَيِّئَةٌ يَفْرَحُوا بِهَا ۖ وَإِنْ تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا لَا يَضُرُّكُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا ۗ إِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ
At kung ang mabuting bagay ay mangyari sa inyo, ito ay nakakapagpalumbay sa kanila, datapuwa’t kung ang ilang kasamaan ay manaig sa inyo, sila ay natutuwa rito. Ngunit kung kayo ay mananatiling matimtiman at maging Al Muttaqun (matiyaga sa pagbabata at pagiging matuwid), wala ni isa mang katiting na kapinsalaan ang magagawa ng kanilang katusuhan sa inyo. Katotohanang si Allah ang nakakatalos ng lahat nilang ginagawa
وَإِذْ غَدَوْتَ مِنْ أَهْلِكَ تُبَوِّئُ الْمُؤْمِنِينَ مَقَاعِدَ لِلْقِتَالِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ
At (gunitain) nang ikaw (o Muhammad) ay lumisan sa iyong mag-anak nang (isang) umaga upang italaga ang mga sumasampalataya sa kanilang puwesto sa digmaan (ng Uhud). At si Allah ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakaalam
إِذْ هَمَّتْ طَائِفَتَانِ مِنْكُمْ أَنْ تَفْشَلَا وَاللَّهُ وَلِيُّهُمَا ۗ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Nang ang dalawang pangkat sa lipon ninyo ay malapit na sanang mawalan ng pag-asa (damdamin), subalit si Allah ang kanilang naging Wali (Kapanalig at Tagapangalaga). At ang mga sumasampalataya ay nararapat na magtiwala kay Allah
وَلَقَدْ نَصَرَكُمُ اللَّهُ بِبَدْرٍ وَأَنْتُمْ أَذِلَّةٌ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ
At si Allah ang nagpahintulot sa inyo na maging matagumpay sa Badr, nang kayo ay isa pang mahina at maliit na puwersa. Kaya’t lubha ninyong pangambahan si Allah (umiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbabawal at higit ninyong mahalin si Allah sa paggawa ng lahat ng uri ng mabuti na Kanyang ipinag-uutos) upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat

Choose other languages: