Quran Apps in many lanuages:

Surah Aal-E-Imran Ayahs #118 Translated in Filipino

يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَأُولَٰئِكَ مِنَ الصَّالِحِينَ
Sila ay nananampalataya kay Allah at sa Huling Araw; sila ay nagtatagubilin ng Al-Ma’ruf (paniniwala sa Kaisahan ni Allah at pagsunod kay Propeta Muhammad) at nagbabawal sa Al-Munkar (pagsamba sa maraming diyus-diyosan, kawalan ng paniniwala at pagtutol kay Propeta Muhammad); at sila ay nagmamadali (sa lahat) ng mabubuting gawa; at sila ay nasa lipon ng matutuwid
وَمَا يَفْعَلُوا مِنْ خَيْرٍ فَلَنْ يُكْفَرُوهُ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالْمُتَّقِينَ
At anumang mabuti ang kanilang gawin, walang anuman ang itatakwil sa kanila; sapagkat ganap na batid ni Allah kung sino ang Al Muttaqun (mga matimtiman, matutuwid, mabubuting tao)
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَنْ تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۚ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ
Katotohanan, ang mga nagtatakwil ng Pananampalataya (hindi sumasampalataya kay Muhammad bilang Tagapagbalita ni Allah at lahat ng kanyang dinala mula kay Allah), ang kanilang mga ari-arian gayundin ang kanilangmgaanakaywalangmaibibigaynakapakinabangan laban kay Allah. Sila ay magsisipanirahan sa Apoy, dito sila ay mananatili
مَثَلُ مَا يُنْفِقُونَ فِي هَٰذِهِ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَثَلِ رِيحٍ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتْ حَرْثَ قَوْمٍ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ فَأَهْلَكَتْهُ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ
Ang kahalintulad ng kanilang ginugugol sa mundong ito ay katulad ng hangin na lubhang malamig; ito ay tumama sa ani ng mga tao na gumawa ng kamalian sa kanilang sarili at puminsala nito (alalaong baga, ang mabuting gawa ng isang tao ay tatanggapin lamang kung siya ay naniniwala sa Kaisahan ni Allah at sa lahat ng mga propeta, kasama na si Hesukristo at Muhammad). Sila ay hindi ipinalungi ni Allah, datapuwa’t sila ang nagpalungi sa kanilang sarili
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا بِطَانَةً مِنْ دُونِكُمْ لَا يَأْلُونَكُمْ خَبَالًا وَدُّوا مَا عَنِتُّمْ قَدْ بَدَتِ الْبَغْضَاءُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ وَمَا تُخْفِي صُدُورُهُمْ أَكْبَرُ ۚ قَدْ بَيَّنَّا لَكُمُ الْآيَاتِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْقِلُونَ
O kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong kunin bilang Bitanah (tagapayo, tagapangalaga, kawaksi, kaibigan, atbp.) ang mga nasa labas ng inyong pananampalataya (mga pagano, Hudyo, Kristiyano at mapagkunwari), sapagkat sila ay hindi titigil na gawin ang kanilang makakaya upang kayo ay pasamain. Sila ay nagnanais na bigyan kayo ng matinding kapinsalaan. Ang pagkamuhi ay ganap nang sumilay sa kanilang bibig, subalit ang inililingid ng kanilang dibdib ay higit na masama. Katiyakan, Aming ginawa na magaan sa inyo ang Ayat (mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.), kung kayo ay nakakaunawa

Choose other languages: