Quran Apps in many lanuages:

Surah Yunus Ayahs #61 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا النَّاسُ قَدْ جَاءَتْكُمْ مَوْعِظَةٌ مِنْ رَبِّكُمْ وَشِفَاءٌ لِمَا فِي الصُّدُورِ وَهُدًى وَرَحْمَةٌ لِلْمُؤْمِنِينَ
o Sangkatauhan! dumatal sa inyo ang mabuting pagpapayo (Qur’an) mula sa inyong Panginoon (na nag- uutosnglahatngmabutiatnagbabawalnglahatngmasama), at isang kagalingan (sa sakit ng kawalang kamuwangan, pag-aalinlangan, pagkukunwari at pagkakahidwa, atbp.) na nasa inyong dibdib, - isang Patnubay at Habag (na nagpapaliwanag sa mga bawal at mga pinahihintulutang bagay) sa mga sumasampalataya
قُلْ بِفَضْلِ اللَّهِ وَبِرَحْمَتِهِ فَبِذَٰلِكَ فَلْيَفْرَحُوا هُوَ خَيْرٌ مِمَّا يَجْمَعُونَ
Ipagbadya: “Sa mga Biyaya ni Allah at sa Kanyang Habag (alalaong baga, ang Islam at Qur’an); - dito, hayaang sila ay mangagalak.” Ito ay higit na mabuti sa anumang kayamanang kanilang nakamtan
قُلْ أَرَأَيْتُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ لَكُمْ مِنْ رِزْقٍ فَجَعَلْتُمْ مِنْهُ حَرَامًا وَحَلَالًا قُلْ آللَّهُ أَذِنَ لَكُمْ ۖ أَمْ عَلَى اللَّهِ تَفْتَرُونَ
Ipagbadya (o Muhammad, sa mga sumasamba sa diyus-diyosan): “Sabihin ninyo sa akin, anong mga panustos (na kabuhayan) ang ipinanaog sa inyo ni Allah! At ginawa ninyo ito bilang pinahihintulutan at ipinagbabawal.” Ipagbadya (o Muhammad: “Ito ba ay pinahintulutan sa inyo ni Allah (upang gawin ito) o kayo ba ay nagsisigawa ng kasinungalingan laban kay Allah?”
وَمَا ظَنُّ الَّذِينَ يَفْتَرُونَ عَلَى اللَّهِ الْكَذِبَ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَذُو فَضْلٍ عَلَى النَّاسِ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَشْكُرُونَ
At ano ang inaakala ng mga kumakatha ng mga kasinungalingan laban kay Allah, sa Araw ng Muling Pagkabuhay? (alalaong baga, sila ba ay nag-aakala na sila ay patatawarin at hindi papatawan ng kaparusahan. Hindi, sila ay lalasap ng walang hanggang kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno). Katotohanang si Allah ay Tigib ng Biyaya sa sangkatauhan, datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay walang utang na loob ng pasasalamat
وَمَا تَكُونُ فِي شَأْنٍ وَمَا تَتْلُو مِنْهُ مِنْ قُرْآنٍ وَلَا تَعْمَلُونَ مِنْ عَمَلٍ إِلَّا كُنَّا عَلَيْكُمْ شُهُودًا إِذْ تُفِيضُونَ فِيهِ ۚ وَمَا يَعْزُبُ عَنْ رَبِّكَ مِنْ مِثْقَالِ ذَرَّةٍ فِي الْأَرْضِ وَلَا فِي السَّمَاءِ وَلَا أَصْغَرَ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرَ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ
At kung anuman ang ginagawa mo (o Muhammad), at kung anumang bahagi ng Qur’an ang iyong dinadalit, - at kung anuman ang ginagawa ninyo (o Sangkatauhan, mabuti man o masama), Kami ang Saksi rito, nang ito ay inyong ginagawa. At walang anuman ang nalilingid sa inyong Panginoon kahima’t ito ay kasingbigat ng atomo o kasingliit ng langgam dito sa kalupaan at kalangitan, gayundin naman kung ito ay higit o kulang, bagkus ay nasa isang maliwanag na Talaan

Choose other languages: