Quran Apps in many lanuages:

Surah Yunus Ayahs #105 Translated in Filipino

قُلِ انْظُرُوا مَاذَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ وَمَا تُغْنِي الْآيَاتُ وَالنُّذُرُ عَنْ قَوْمٍ لَا يُؤْمِنُونَ
Ipagbadya: “Pagmasdan, ano baga kaya ang nasa kalangitan at kalupaan,” datapuwa’t maging ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, aral, katibayan, atbp.) o mga Tagapagbabala ay hindi makakapagbigay ng kapakinabangan sa mga hindi sumasampalataya
فَهَلْ يَنْتَظِرُونَ إِلَّا مِثْلَ أَيَّامِ الَّذِينَ خَلَوْا مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ قُلْ فَانْتَظِرُوا إِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُنْتَظِرِينَ
Kaya’t sila baga ay naghihintay (sa anuman) maliban (sa kapinsalaan na nangyari) sa panahon ng mga tao na nauna sa kanila? Ipagbadya: “Kayo ay maghintay, ako (rin) ay maghihintay sa lipon ninyo na naghihintay.”
ثُمَّ نُنَجِّي رُسُلَنَا وَالَّذِينَ آمَنُوا ۚ كَذَٰلِكَ حَقًّا عَلَيْنَا نُنْجِ الْمُؤْمِنِينَ
Nguni’t (sa katapusan), Aming iniligtas ang Aming mga Tagapagbalita at ang mga sumampalataya! Ito ay isang katungkulan sa Amin na iligtas ang mga nananampalataya
قُلْ يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي شَكٍّ مِنْ دِينِي فَلَا أَعْبُدُ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَٰكِنْ أَعْبُدُ اللَّهَ الَّذِي يَتَوَفَّاكُمْ ۖ وَأُمِرْتُ أَنْ أَكُونَ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
Ipagbadya (o Muhammad): “o kayong sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan sa aking relihiyon (Islam), kung gayon, inyong maalaman na kailanman ay hindi ko sasambahin ang inyong sinasamba maliban lamang kay Allah. Datapuwa’t sinasamba ko si Allah na nagkakaloob sa inyo ng kamatayan, at ako ay pinag-utusan na maging isa sa mga nananampalataya.”
وَأَنْ أَقِمْ وَجْهَكَ لِلدِّينِ حَنِيفًا وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
(At ito ay ipinahayag sa akin): “Ituon mo ang iyong mukha (o Muhammad) nang lubos sa relihiyong Hanifan (Kaisahan ni Allah at Pagsamba lamang sa Kanya, sa Islam), at ikaw kailanman ay huwag mapabilang sa Mushrikun (mga sumasamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.).”

Choose other languages: